PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, buntis na sa wakas matapos ang matagal na paghihintay

Aktres, pinagpapahinga muna dahil sa maselang pagbubuntis.
by Jojo Gabinete
Published Sep 25, 2024
blind item actress pregnant
PHOTO/S: Canva

Buntis ang aktres na minsan nang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Pero hindi pa siya handang isiwalat sa publiko ang kanyang kalagayan dahil wala pa sa tatlong buwan ang sanggol sa sinapupunan niya.

Read: Aktres, iniwan ang TV program para sa pagtakbong mayor sa 2025?

Maselan din ang pagbubuntis ng aktres kaya pinagpapahinga muna ito ng kanyang doktor.

Isa ito sa mga dahilan kaya hindi natuloy ang plano niyang pumunta sa ibang bansa.

DELICATE PREGNANCY

Ang pagbubuntis ng aktres ang katuparan ng matagal nang pangarap nila ng kanyang asawang mabiyayaan ng anak ang kanilang ilang taon nang pagsasama.

Inaasahang mismong ang mag-asawa ang magbabahagi sa mga tao tungkol sa nalalapit nilang pagiging mga magulang kapag maayos na ang lahat, at kung hindi na nahihirapan sa paglilihi ang aktres na naghahanda na para sa bagong yugto ng buhay niya.

Read: Aktres na produkto ng talent search, buntis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results