Robert Go ang pangalan ng U.S.-based twin brother ng aktor na si Ricardo Cepeda.
Pero hindi sila magkamukha dahil fraternal twins sila.
Tinanong ng Cabinet Files si Ricardo kung katulad din sila ng ibang mga kambal na nararamdaman ang emosyon ng bawat isa, lalo na nang maranasan niyang makulong sa loob ng halos isang taon dahil nadamay ang kanyang pangalan sa kasong syndicated estafa.
Read: Ricardo Cepeda released after posting bail for estafa case
Sagot ng aktor: “Parang, but I am not sure kung ano. We are fraternal twins, we don’t look alike.
"When I get to use the call center, we’re able to talk. Nasa Florida, USA siya.
“In fact, he was able to set up a foundation which was able to help me sa mga expenses.
"And I’m thankful na it happened sa time na it’s easy to get in touch with people and my kids are grown up.
“It would have been much harder kung maliliit sila nang mangyari ito.”
Nagpapasalamat si Ricardo sa kanyang kakambal dahil sa binuksan nitong account sa crowdfunding platform na GoFundMe para makatulong sa mga gastusin niya noong panahong nakakulong siya sa Cagayan Provincial Jail, Tuguegarao City, Cagayan Valley.
Read: Ricardo Cepeda remains hopeful amid delays in hearing of syndicated estafa case
RICARDO'S PMA EXPERIENCE
Lubos din ang pasasalamat ni Ricardo sa kanyang ama, si Brigadier General Cesar Go ng Philippine Air Force, na pinilit siyang pumasok noon sa Philippine Military Academy (PMA).
Lahad ng aktor: “Nag-PMA din ako. I was separated from my family, biglaan out of high school.
"Sa barracks kami sa PMA, similar, e, sa jail, e.
“Biglang nakahiga na kayong magkakatabi sa barracks. Hindi mo kilala yung mga katabi mo but then you get to know them slowly.
“Kaya nagpapasalamat ako sa dad ko for forcing me to go to PMA. Up to this day, in my adult life, I kept thanking my dad for my PMA experience."
Pagpapatuloy niya, “Nakatulong sa akin, pero noong bata ako, 'Bakit? Bakit? Parang tinorture ako ng dad ko.'
“Yun pala, he was right. He prepared me for life.
"This was totally unexpected, itong nangyari sa akin."
Maganda ang pangangatawan ngayoni Ricardo kaya walang mag-iisip na halos isang taon siyang nagdusa sa kulungan para sa isang paratang na hindi umano niya ginawa.

Ayon kay Ricardo, “Ang sabi ko before, the only thing that can keep you sane is to be able to be productive. Hindi ka maka-work but you can control your fitness.
“I focused on what I was eating and then proper exercises so that when I get out, I should be better than when I got in.
"The only way that I would be out of this is to victimize myself, mag-hunger strike ako, hindi makakain, and then pabayaan ko, let my body go. Be negative, stressed, and let my cholesterol go up and come out with heart disease.”
Nanatili raw positibo ang mga pananaw sa buhay ni Ricardo habang nasa loob ng bilangguan dahil malaking tulong ang kanyang walang palyang pagdarasal sa Panginoong Diyos.