For real, not for reel ang malalim na hidwaan sa pagitan ng Vivamax actors na sina Benz Sangalang at Victor Relosan.
Naramdaman ang tensiyon sa pagitan nila nang magpang-abot sila sa Global Academy of Rock, Sct. Borromeo, Quezon City, noong Huwebes ng gabi, Setyembre 26.
Hindi nagpansinan at lalong hindi binati nina Benz at Victor ang isa’t isa nang magkita sila para sa magkahiwalay na panayam sa kanila ni Boy Abunda na mapapanood sa mga susunod na linggo sa The Boy Abunda YouTube Channel nito.
Maaanghang ang mga pahayag nina Benz at Victor laban sa isa’t isa nang mapag-usapan ang kontrobersiyal na isyu tungkol sa "Vivamax King" title.
Read: Victor Relosa-Benz Sangalang silent feud over Vivamax King title
VICTOR RELOSA TAKES A SWIPE AT BENZ SANGALANG
Matapang na inamin ni Victor na si Benz ang tinutukoy niya sa kanyang pahayag noon sa isang media conference.
Sabi ni Victor: “I think ang pinakamahalaga po, kapag ibinigay sa yo yung title na Vivamax King, dapat i-take mo yung opportunity at responsibility na i-uplift yung iba. I think yun ang pinakamahalaga.
“Huwag mong ipaparamdam sa mga baguhang artista, sa maliliit na artista sa set, dahil wala naman maliit na artista, na hindi mo sila ka-level.
"Kasi, apparently, may mga taong ganoon.
“Nasa set, na kapag bago yung artista, first time nung artista, sasabihin niya, ‘Ay, pasensiya na, hindi kita ka-level or mag-practice ka pa muna or gumawa ka muna ng ibang pelikula.'”
Read: Direk Roman Perez Jr., iniintriga dahil sa Vivamax King title

BENZ SANGALANG REFUTES VICTOR RELOSA'S ALLEGATION
Mariing itinanggi ni Benz ang paratang ni Victor.
Diumano, mapapatunayan ng utility, cameramen, at ng buong production staff ang kanyang mahusay na pakikisama sa lahat, lalo na sa mga maliliit na manggagawa.
Sa tanong ni Boy kung sino sa kanila ang mas magaling na aktor, sinabi ni Benz na marunong umarte si Victor pero mas mahusay siya.

Matindi naman ang reaksyon ni Victor sa katanungan ni Boy dahil sa kanyang sagot.
“Sa aming dalawa? Hindi po ako umaabot ng take 10 para sa naglalakad lang na scene,” pasaring ni Victor.
Pinanindigan din ni Victor na mas mabuti siyang tao kesa kay Benz dahil mas marami ang mga kaibigan niya.
Sa hypothetical question ni Boy kay Benz na “Sino ang isasama mo sa impiyerno?” walang kagatul-gatol na “Si Victor“ ang sagot ng Vivamax actor.
Iginiit ni Benz na mismong ang Viva Entertainment COO na si Boss Vic del Rosario ang paulit-ulit na nagsabi na siya ang "Vivamax King" kaya full-length movie ang mga ginagawa niya at bida ang mga karakter na ipinagkakatiwala sa kanya.
Read: Direk Bobby Bonifacio Jr. clueless sa tampuhan ng Vivamax Kings