PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward Japan trip ang gift sa sarili matapos ang Abot-Kamay

Jillian Ward, pangarap maging professional makeup artist.
by Jojo Gabinete
Published Sep 27, 2024
jillian ward makeup
Jillian Ward on dream of becoming a professional makeup artist: "Siguro po kapag natapos na ang Abot-Kamay Na Pangarap, since wala pa muna akong gagawin na project, susubukan ko po na mag-take up ng makeup classes.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @jillian on Instagram

Ang magbakasyon sa Japan, kasama ang buong pamilya niya, ang pabuya ni Jillian Ward sa sarili kapag natapos na ang pagpapalabas sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Si Jillian ang bida ng top-rating afternoon drama series ng GMA-7 na dalawang taon nang sinusubaybayan sa telebisyon.

Read: Jillian Ward, binalikan ang naging bahay niya sa Trudis Liit

Saad ni Jillian: “Matatapos na po siya this October so last three to four weeks na lang po.

“Ang tagal ko nang hindi nagbabakasyon. Gusto kong magbakasyon sa Japan with my family.

“Gusto kong bumalik ng Japan, lalo na kapag winter.

"Gusto kong madala doon ang family ko kasi hindi pa po kami nagbabakasyon na magkakasama kami.

“Pero naisip ko, ayokong magbakasyon ng sobrang tagal. Pagkatapos ng Abot-Kamay, bakasyon lang saglit tapos mag-gym ako ulit,”

Nakapanayam ng Cabinet Files si Jillian sa meet-and-greet niya bilang celebrity ambassador ng Pretty Secret na nangyari sa Mall of Asia, Pasay City, nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 27, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP BEST BETS 2024: The Next Big Thing!

JILLIAN WARD, ASPIRING professional MAKE-UP ARTIST

Pinaplano rin ni Jillian na mag-enroll sa make-up classes dahil sa hilig niya sa makeup.

Ikinuwento ni Jillian na ang paglalagay ng makeup sa mga kasamahan niya sa Abot-Kamay Na Pangarap ang isa sa mga bonding moment nila.

“Sa mga co-star ko, mahilig akong magbigay ng mga lipstick. Pero more on sa production team ako nagse-share, sa mga PA namin.

“Yun ang bonding namin, nagse-share kami ng mga lip tint. Nagiging masaya na bonding namin ang pagme-makeup. Na-makeup-an ko na rin ang mommy ko.

"Actually, yung Abot-Kamay boys, wala talaga silang nagagawa. Na-makeup-an ko na sina Jeff Moses at Raheel Bhyria!" ang natatawang lahad ni Jillian.

Self-taught ang paggamit ng iba’t ibang mga klase ng makeup.

“Actually, fun story po, nung twelve years old po ako, mahilig na ako sa makeup. Nanonood ako sa mga YouTuber.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos yung papa ko, galit na galit siya, so tinatapon niya yung mga makeup ko.

"Siyempre, ang mommy ko, kunsintidor. Binilhan niya ako ng mga makeup na patago. Nagme-make up ako sa comfort room.

“Nag-e-enjoy talaga ako kapag nagme-makeup. Ewan ko, pero parang self-care siya sa akin.

"This is for myself kaya sorry, papa, wala siyang nagawa,” salaysay ni Jillian.

Nangangarap din si Jillian na maging professional makeup artist.

“Nung bata pa ako, gusto kong maging professional makeup artist," sabi niya.

"Siguro po kapag natapos na ang Abot-Kamay Na Pangarap, since wala pa muna akong gagawin na project, susubukan ko po na mag-take up ng makeup classes.”

At dahil celebrity ambassador siya ng Pretty Secret, abot-kamay na ni Jillian ang pangarap maging professional makeup artist.

Iniisip din niyang magkaroon ng franchise ng makeup products na kanyang iniendorso.

Read: Jillian Ward speaks up on malicious speculations about her

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward on dream of becoming a professional makeup artist: "Siguro po kapag natapos na ang Abot-Kamay Na Pangarap, since wala pa muna akong gagawin na project, susubukan ko po na mag-take up ng makeup classes.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @jillian on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results