PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brandy Ayala, grabe ang transformation sa kanyang 60th birthday

Lito Gruet, namangha sa malaking transformation ni Brandy Ayala.
by Jojo Gabinete
Published Oct 1, 2024
brandy ayala transformation
Former sexy star Brandy Ayala celebrates her 60th birthday at Safehaven Recovery Villag in Cebu City on September 30, 2024, nine months after she was rescued from the streets.
PHOTO/S: File / Lito Gruet Facebook

Ipinagdiwang ni Brandy Ayala ang ika-60 kaarawan niya sa Safehaven Recovery Village, Cebu City, noong Lunes, Setyembre 30, 2024.

Si Brandy ang ‘80s sexy star na nawala sa katinuan ang pag-iisip at naging palaboy sa matagal na panahon.

Read: Nawawalang dating sexy star na si Brandy Ayala, namataan sa Mandaluyong

brandy ayala past
Brandy Ayala before her rehabilitation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nagbago ang napakalungkot na takbo ng buhay nang sagipin siya ng dating aktor at model na si Lito Gruet, ang founder ng Battle Against Ignorance (BAI) Foundation, noong Disyembre 2023.

Sa tulong ni Lito at ng pamunuan ng Safehaven Recovery Village, dinala si Brandy sa Cebu para maipagamot siya at maibigay ang kanyang mga pangunahing pangangailangan tulad ng mga gamot, pagkain, at damit.

Read: Dating sexy star Brandy Ayala malaki na ang pagbabago mula nang sagipin ng grupo ni Lito Gruet

BRANDY AYALA'S TRANSFORMATION

Makalipas ang siyam na buwan, malaki ang naging pagbabago ng pagkatao ni Brandy.

Napakalayo nito sa kanyang dating kahabag-habag na hitsura kaya nakapagsalita noon ang mga kapitbahay nila sa Tondo, Manila, na mabuti pang mamatay na lamang siya.

brandy ayala transformation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Grabe ang transformation niya,” pahayag ni Lito sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Martes, Oktubre 1, 2024.

“Nine months pa lamang siya sa amin. Dati, tulala si Brandy. May sariling mundo, hindi makapagsalita dahil nawala ang boses niya.

“Takot siya, hindi ngumingiti at patalun-talon ang isip.

“Ngayon, super bait at masunurin si Brandy. Malinis siya, particular siya sa personal hygiene at hitsura niya.

"Si Brandy ang pumipili ng hair color at nail color niya. Siya rin ang pumipili ng damit na binibili for her. Alam niya ang nababagay sa kanya.”

Read: Brandy Ayala, bukod sa makeover, "gumagaling na siya"

Napaluha si Lito dahil nagtagumpay silang matulungan, hindi lamang si Brandy kundi pati na ang ibang mga palaboy sa lansangan na literal na pinulot nila at binigyan ng pag-asang makapagbagong-buhay.

“Naiyak ako seeing all of them happy and enjoying, especially when I reflect on how they were living like stray dogs,” sabi ni Lito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maligayang-maligaya si Lito dahil napasaya nila si Brandy sa ika-60 kaarawan nito.

Kuwento ng dating model-actor, “Cakes, choco tapioca, pansit bihon, fried chicken, fish fillet, maja blanca, bola-bola, chopsuey, at humba ang mga pagkain sa birthday celebration ni Brandy.

“Isa-isa niya kaming nilapitan at nag-hug saying, 'Thank you po.'”

Hindi muna papayagan ni Lito si Brandy na bumalik sa Tondo para magtuluy-tuloy ang kanyang paggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito muna siya sa amin sa Cebu. This is not the right time nor environment for her to return.

“At walang mag-aalaga sa kanya sa Tondo. And also, she needs continuous medication which we are concerned.

"Baka hindi siya mabigyan kapag umuwi siya bahay nila sa Maynila. Mawawala ang progress na na-achieve na niya."

Read: '80s model-actor Lito Gruet, mala-teleserye ang life story tungkol sa pagsikat, pagkalugmok, at pagbangon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former sexy star Brandy Ayala celebrates her 60th birthday at Safehaven Recovery Villag in Cebu City on September 30, 2024, nine months after she was rescued from the streets.
PHOTO/S: File / Lito Gruet Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results