Ngayong Miyerkules, Oktubre 2, 2024, ang ikalawang araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy ng mga nagnanais tumakbo sa midterm elections na gaganapin sa Mayo 12, 2025.
Read: Marco Gumabao, Enzo Pineda, Ion Perez, Rosmar Tan tatakbo sa 2025 elections
Kabilang sa nagsumite ng COC ngayong araw ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.
Si Richard ay tatakbo para sa ikalawang termino niya bilang congressman ng ika-apat na distrito ng Leyte.

Ang kanyang maybahay na si Lucy ay muli namang tatakbo bilang mayor ng Ormoc City.
Kasama ng mag-asawang nagsumite ng COCs ang kanilang anak na si Juliana Gomez at ang kanilang mga kapartido.

Katulad ng karamihan ng mga kandidatong nais tumakbo sa halalan ay dumaan muna sina Richard at Lucy, kasama ang kanilang mga kapartido at si Juliana, sa simbahan upang humingi ng gabay at blessing mula sa Diyos.

TEAM MACHO
Sabay-sabay ring naghain ng kanilang certificate of candidacy ngayong Miyerkules ang mga dating senador na sina Tito Sotto, Lito Lapid, at Ping Lacson.
Tinawag nila ang kanilang grupo na "Team Macho."
Kabilang ang tatlong beteranong politiko sa senatorial slate ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr.
Bagamat Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang tawag sa kanilang grupo, halos lahat ng kasama rito ay matagal na sa politika o di kaya'y mula sa political clans.
Read: Dr. Willie Ong gustong maging "martir" kaya tatakbong senador

DANIEL FERNANDO AND ALEX CASTRO
Muli ring tatakbo ang mga aktor na sina Daniel Fernando at Alex Castro para sa isa pang termino bilang governor at vice-governor ng lalawigan ng Bulacan.
Mensahe ni Alex sa kanyang Facebook post, kalakip ang larawan nila ni Daniel: "Simple at maaga po kaming nag file ng aming COC upang makabalik na ulit sa ating trabaho. Tuloy lang ang serbisyo sa ating mga Bulakenyo. Mabuhay ang dakilang Lalawigan ng Bulacan."

ARJO ATAYDE
Ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde ay tatakbo rin para sa kanyang ikalawang termino bilang congressman ng unang distrito ng Quezon City.
Kasama niyang nagsumite ng certificate of candidacy kahapon, Oktubre 1, ang kanyang inang si Sylvia Sanchez; at sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice-Mayor Gian Sotto.
Read: Phillip Salvador to run for senator in 2025

ALFRED VARGAS AND DAVID CHUA
Kabilang din sina Alfred Vargas at David Chua sa mga showbiz personality na naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa kanilang pagtakbo bilang konsehal sa mga lungsod na pinaninirahan nila.
Incumbent councilor si Alfred, at muli siyang tatakbong konsehal sa ika-limang distrito ng Quezon City.
Nagsumite siya ng certificate of candidacy, kasama ang kanyang misis na si Yasmine Vargas, ngayong Oktubre 2.
Inihayag ni Alfred sa kanyang Instagram post: “ Today, I am applying to be one of the councilors of the fifth district of Quezon City. May the Almighty continue to guide me in this whole journey.
“My unwavering gratitude and love to all my supporters through the years,through thick and thin. You are my inspiration.
“I am here today because I am a Filipino and I love my country with all my heart. It is not a perfect country, nor is its government. Far from it.
"But despite this, I believe our beloved nation is still the best place to call home, raise my children and fight for the people and family that I love.
“My identity is deeply rooted in my Filipino blood. My CoC symbolizes my unabating desire to help others have a chance to reach their dreams in life.”
View this post on Instagram
Kakandidato namang konsehal ng District 2 ng siyudad ng Maynila ang aktor at direktor na si David Chua.
Naghain si David ng kandidatura noong Martes, Oktubre 1.
Ayon sa kanya, ang mamamayan ng Distrito Dos Tondo ang itinuturing niyang pamilya kaya magiging karamay siya ng lahat hanggang sa huling hininga.
View this post on Instagram
DIWATA AND ROSMAR
Nangangarap ding magkaroon ng puwesto sa pamahalaan ang social media personality na si Deo Balbuena, na higit na kilala sa tawag na Diwata, at si Rosmar Tan.
Kakandidato si Diwata bilang fourth nominee ng Vendors party-list group, samantalang susubukan ni Rosmar ang kapalaran nito sa konseho ng unang distrito ng Maynila.
Bukod kay Rosmar, inaasahang maghahain ng kandidatura sa mga susunod na araw bilang konsehal sa iba’t ibang distrito ng Maynila sina Mocha Uson, ang former basketball player na si Paul Alvarez, ang social media personality na si Boss Toyo, at ang mga aktor na sina Wendell Ramos at Joaquin Domagoso.
Read: Wendell Ramos, tatakbong Manila councilor sa 2025 elections?