Ang aktor na si Wendell Ramos at ang hard-hitting broadcaster na si Ben Tulfo ang dalawa sa mga popular na personalidad na naghain ng kanilang kandidatura ngayong Sabado, Oktubre 5, 2024.
Kakandidato si Wendell bilang konsehal sa ika-apat na distrito ng lungsod ng Maynila.
Hindi na nakagugulat ang pagdedeklara niya ng kandidatura dahil sumipot siya sa isang charity event ni Sam Verzosa sa Smokey Mountain, Tondo, noong Setyembre 23, 2024.
Read: Wendell Ramos, tatakbong Manila councilor sa 2025 elections?
Nang makausap ng Cabinet Files si Wendell sa charity event, hindi niya itinanggi pero hindi rin siya nagbigay ng kumpirmasyon tungkol sa napapabalitang pagkandidato sa Maynila.
Ito'y kahit "Konsehal Wendell" ang pakilala sa kanya ni Verzosa, na tatakbo naman bilang alkalde ng naturang siyudad.

Pero tiniyak ni Wendell na nagmula siya sa Sampaloc, Maynila, kaya may karapatan siyang paglingkuran ang mamamayan ng District 4.
Siniguro rin ni Wendell na hindi magkakaroon ng problema ang pagkandidato niya sa kanyang regular drama series sa GMA-7, ang Shining Inheritance.
Saad ni Wendell, “Ang reason ko lang naman is to extend my charitable works kasi, even before, hindi naman ako show off. Alam yan ng mga taga-Maynila.
“Yun kasi ang palaki sa akin ng nanay ko, matuto kang magbigay kung meron ka. So, ngayon, until now, at my age, 46 years old na ako, I still have my shows.
“So, hindi ba pupuwedeng ako naman ang magbigay ng dahilan para ma-extend ako ng tulong sa mga tao?
“Hindi lang ang pagsuporta kay SV ang pagpunta ko rito, gusto ko rin magpasalamat sa mga tao.”
Suportado ni Verzosa ang kandidatura ni Wendell dahil kapwa sila mula sa District 4 ng Sampaloc.
Nakatakda naman sa Linggo, Oktubre 6, ang paghahain ni Verzosa ng certificate of candidacy bilang mayor ng Maynila.
Read: Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC
BEN TULFO
Tatakbo bilang senador pero independent candidate si Ben Tulfo.
May sagot si Ben sa usapin tungkol sa political dynasty dahil senador ang kanyang kapatid na si Raffy Tulfo.
“Yes, we are dynasty in terms of helping people in the media first. We broke the record,” pahayag ni Ben, na may thick American accent.
“We were the first brothers, the Tulfo brothers, the four of us, I am sorry, modesty aside, we lord it over helping people and sabay-sabay kaming magkakapatid and you know us as T3.
“So, is that dynasty? No, it’s not. We don’t have any district.
"Maybe on the executive level, you can say that kapag nag-gobernador ka o nag-mayor ka because you have a district.
“But running for senate, it’s a national office, you cannot have dynasty.
"It’s like saying, kasalanan ba namin kung minahal namin ang aming propesyon sa media?”
Read: Ben Tulfo maligns Regine Velasquez over her tweet against DFA Secretary Teddy Locsin Jr.