Ang inactive actor at kasalukuyang house representative ng nag-iisang distrito ng Sta. Rosa Laguna na si Dan Fernandez at ang former That’s Entertainment member na si Gem Castillo-Amante ang karagdagan sa listahan ng mga showbiz personality na naghain ng kandidatura.
- Vico Sotto, Michael Pacquiao file COC for 2025 elections
- Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas
- Richard at Lucy, Alfred Vargas, Arjo Atayde nag-file na ng COCs
- Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC
Ipinasa nila ang kanilang certificate of candidacies ngayong Linggo, Oktubre 6, 2024, sa kapitolyo ng lalawigan sa Sta.Cruz, Laguna.
Kakandidato si Dan sa halalan sa Mayo 2025 bilang gobernador ng Laguna, samantalang si Gem ang bise-gobernador niya.
Ito ang pangalawang pagkakataon na susubukan ni Dan ang kapalaran niya sa pagtakbo na gobernador ng Laguna, dahil kumandidato na siya para sa nabanggit na posisyon noong 2004.
Pero ang incumbent governor na si Teresita Lazaro ang nagwagi noon.
Para sa eleksyon sa 2025, ang dating ABS-CBN news reporter at congresswoman na si Sol Aragones ang isa sa mga makakalaban ni Dan.
Si Gem ang running mate ni Dan at nakilala siya sa tawag na "Mayora" dahil asawa niya si incumbent San Pablo City, Laguna Mayor Vic Amante.
Sa kabila ng malakas na buhos na ulan sa Sta.Cruz, Laguna, nagmartsa sa Sta. Cruz sina Dan at Gem, kasama ang kanilang mga tagasuporta, kabilang si Sta. Cruz Mayor Edgar San Luis.
DAN FERNANDEZ, GEM CASTILLO SPEECH
Bago sila nagsumite ng kanilang mga certificate of candidacy, nagtalumpati si Dan sa isang gathering ng mga kaalyado nila ni Gem.
Pahayag ni Dan: "Umasa kayo sa isang tunay, tapat at may dangal na paglilingkod para sa ating lalawigan na Laguna.
"Ibabalik po natin ang dangal, ibabalik po natin ang malinis na panunungkulan.
"Hindi po natin hahayaan ang mga mapang-abusong kawani ng ating pamahalaan."
Nagbitaw naman si Gem ng pangako na garantisado at epektibo na pagsisilbi ang ihahatid niya sa mamamayan ng Laguna.
Hindi pa man nageeleksiyon ay "Gobernador" at "Bise-Gobernador" na ang tawag nina Dan at Gem sa isa’t isa.
Bago pa man sila naghain ng kandidatura ngayong linggo, nag-umpisa nang kumalat noong Agosto 2024 sa iba’t ibang bayan ng Laguna ang mga pre-campaign poster nina Dan at Gem para sa mga posisyon sa pamahalaan na kanilang pinupuntirya.