Sina Zanjoe Marudo, DJ Durano, at Cai Cortez ang karagdagan sa listahan ng mga personalidad mula sa showbiz na susubukan ang kanilang kapalaran sa halalan sa Pilipinas sa Mayo 2025.
Naghain si Zanjoe ng certificate of nomination at certificate of acceptance (CON-CAN) bilang second nominee ng party-list na ASAP NA o Alyansa Laban sa Substance Abuse para sa Bagong Pilipinas Natin) noong Sabado, Oktubre 5, 2024.
Read: Nora, bakit second nominee lang? Bong, may payo sa mga artista
DJ DURANO FOR SOGOD, CEBU MAYOR
Ginamit ng character actor na si DJ Durano ang kanyang social media account para ianunsyo ang pagkandidato niya bilang alkalde ng Sogod, Cebu.
Inihain ni DJ ang kanyang certificate of candidacy nitong Lunes, Oktubre 7.
Nakalagay na caption sa mga larawang inilabas niya: “I filed my COC Certificate of Candidacy for the 2025 Mayoralty Race in Sogod, Cebu
"Thank you for All the Love and Support... Mabuhi Ang Sogoranons.. Padayon Ta Para sa Tinuuray na Pag Serbisyo
"TEAM ÐJ DURANO BAKUD Partido Federal ng Pilipinas."
View this post on Instagram
Bago naghain ng kandidatura si DJ para sa midterm elections sa May 2025, tinanggap muna niya ang nominasyon sa kanya ng BAKUD para tumakbong alkalde ng Sogod, Cebu.
Nagmula si DJ sa angkan ng mga pulitiko.
Ang BAKUD o Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya (Stand for Development and Democracy) ang lokal na partidong pampulitika na nakabase sa ika-limang distrito ng pang-kongreso ng Cebu. Binuo ito noong 2001 at pinamamahalaan ng pamilya Durano ng Cebu.
Sinabi ni DJ na kaalyansa ang BAKUD ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Read: Wendell Ramos at Ben Tulfo, naghain ng certificate of candidacy
CAI CORTEZ FOR TAYTAY COUNCILOR
Ang mahalal na konsehal ng Taytay, Rizal, ang pangarap ng comedienne na si Cai Cortez.
Nagsumite siya ng kanyang certificate of candidacy nitong Lunes, Oktubre 7.
Tatlong araw bago nagdeklara si Cai ng kandidatura, nanumpa muna siya bilang opisyal na miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC), na isa sa kanyang mga hakbang sa pagpasok sa mundo ng politika at public service.
Related Stories:
- Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC
- Angelika dela Cruz at Bobet Vidanes, tatakbong vice-mayor sa 2025
- Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025
- Marjorie Barretto, muling tatakbong konsehal sa Caloocan City
- Sam Verzosa, pormal nang naghain ng kandidatura para Manila mayor
- Phillip Salvador, Brian Poe, Michael Pacquiao tatakbo rin sa 2025
- Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas
- Richard at Lucy, Alfred Vargas, Arjo Atayde nag-file na ng COCs
- Marco Gumabao, Enzo Pineda, Ion Perez tatakbo sa 2025 elections
- Dr. Willie Ong gustong maging "martir" kaya tatakbong senador
- Phillip Salvador to run for senator in 2025