PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, nagpahiwatig tungkol sa pagtakbong senador

Willie Revillame, undecided pa rin sa pagtakbo sa 2025 elections.
by Jojo Gabinete
Published Oct 8, 2024
willie revillame wil to win
Willie Revillame: “Eto lang ang hiling ko sa inyo, itong huling oras hanggang bukas ng ala-singko, ipagdasal ninyo lang ako na gabayan ako ng Panginoong Diyos na tama ang magiging desisyon ko sa buhay ko."
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

Ngayong Martes, Oktubre 8, 2024, ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga nagnanais kumandidato sa pambansang halalan na magaganap sa Mayo 12, 2025.

Hanggang ala-singko ng hapon (5 P.M.) ang taning ng Commission on Elections para sa magsusumite ng kandidatura kaya ilang oras na lamang ang nalalabi para magdesisyon si Willie Revillame.

Read: Willie Revillame, nililigawan pa ring tumakbong senador sa 2025

Muling umingay ang balitang tatakbo si Willie na senador noong Lunes, Oktubre 7, dahil sa kanyang naging pahayag sa Wil To Win, ang game at public service program niya sa TV5.

Nagbitaw si Willie ng salita sa live broadcast ng kanyang programa: “Kapag nandito ako bukas, tuluy-tuloy [ang Wil To Win].

"Kapag wala ako, mas malaki ang maiiambag ko sa bawat Pilipino."

Bago binitiwan ni Willie ang naturang pahayag, hiniling niya sa manonood at studio audience ng Wil To Win na ipagdasal siya para sa isang malaking desisyon na gagawin sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eto lang ang hiling ko sa inyo, itong huling oras hanggang bukas ng ala-singko, ipagdasal ninyo lang ako na gabayan ako ng Panginoong Diyos na tama ang magiging desisyon ko sa buhay ko," pakiusap ni Willie.

Read: Willie Revillame, nililigawan pa ring tumakbong senador sa 2025

STILL UNDECIDED

Hindi pa rin nakapagpapasya si Willie nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes ng umaga, 9 A.M.

Hindi madali para kay Willie ang magdesisyon dahil alam at tanggap niyang kapag naghain siya ng kandidatura, magbabago na agad ang takbo ng kanyang buhay.

Pero palaisipan kay Willie na hindi nawawala ang kanyang pangalan sa mga senatorial survey, kahit hindi siya nagpapakita ng intensiyong kumandidato.

Nakaabang ngayon ang karamihan, lalo na ang mga tagasuporta ni Willie, kung sisipot ito mamaya sa live telecast ng Wil To Win na nag-uumpisa ng 5 P.M., kasabay ng huling oras ng paghahain ng certificate of candidacy.

Kapag hindi namataan sa Novaliches studio ng Wil To Win at hindi napanood si Willie sa sariling programa, nangangahulugan lamang ito na tinanggap niya ang hamong kumandidato bilang senador, matapos ang maraming beses na pagtanggi noong mga nagdaang taon sa mga mapanukso na alok sa kanyang pasukin ang mundo ng politika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Willie Revillame, nagbabala laban sa mga scammer sa Wil To Win

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: “Eto lang ang hiling ko sa inyo, itong huling oras hanggang bukas ng ala-singko, ipagdasal ninyo lang ako na gabayan ako ng Panginoong Diyos na tama ang magiging desisyon ko sa buhay ko."
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results