Sina Aiko Melendez, Ara Mina, Shamcey Supsup, James Yap, Mocha Uson, Joaquin Domagoso, Paul Alvarez, Lou Veloso, Chi Atienza, Samantha Panlilio, at Arron Villaflor ang ilan sa showbiz, pageant, at sports personalities na naghain ng kandidatura para sa eleksyon sa Mayo 12, 2025.
Read: Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025
AIKO MELENDEZ IN QUEZON CITY
Re-electionist councilor si Aiko ng 5th District ng Quezon City.
Inihain niya ang kanyang certificate of candidacy noong Lunes, Oktubre 7, 2024.
Mensahe ni Aiko sa kanyang Instagram post: "Mga Ka-AM, eksaktong 12:40 ng tanghali ngayong araw ay pormal po nating naihain ang ating COC bilang KONSEHAL ng D5 sa ilalim ng SERBISYO SA BAYAN PARTYLIST.
"Nangangako akong magbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa publiko at maipagpatuloy ang Aksyon at Malasakit sa Distrito Singko.
"Samahan niyo po muli akong lumaban para sa layuning ito. Maraming salamat po!"
ARA MINA AND SHAMCEY SUPSUP IN PASIG
Tatakbo naman bilang mga konsehal ng Pasig City ang aktres na si Ara Mina at ang former beauty queen na si Shamcey Supsup.
Kakandidato si Ara sa ikalawang distrito ng Pasig City, samantalang tatakbo si Shamcey sa unang distrito ng naturang lungsod.
Kapwa sila nagsumite ng certificate of candidacy noong Lunes.
Kapartido nila si Sarah Discaya, may-ari ng St. Gerrard General Contractor and Development Corporation, na tatakbong mayor.
Read: Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC

MOCHA, JOAQUIN, BONG, & LOU IN MANILA
Ang mahalal na third district councilor ng Maynila ang pangarap ng singer at vlogger na si Mocha Uson.

Maging konsehal ng unang distrito ng Manila naman ang target ni Joaquin Domagoso, ang anak ni Isko Moreno.
Kasama ni Joaquin na naghain ng COC ang kanyang pamilya.

Sina Mocha at Joaquin ay tatakbo sa ilalim ng partido ni Isko Moreno, na muling tatakbo bilang mayor ng Manila.
Kapartido rin nila ang former PBA player na si Paul "Bong" Alvarez at ang komedyanteng si Lou Veloso.
Nauna nang naghain ng kandidatura ang reelectionist na si Lou bilang konsehal sa ika-anim na distrito noong Oktubre 2.
Noong Oktubre 6, pormal na nagsumite si Alvarez ng certificate of candidacy para sa pagkakonsehal sa ikatlong distrito ng Maynila.
Read: Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas

JAMES AND ERVIC IN SAN JUAN
Re-electionist councilor ng unang distrito ng San Juan City ang basketball player na si James Yap, na pormal na naghain ng kandidatura ngayong Martes, Oktubre 8.
Re-electionist councilor din ng 1st District ng San Juan City ang aktor at basketball player na si Ervic Vijandre.
Ibinalita ni Ervic sa Cabinet Files na katatapos lamang niyang maghain ng kanyang certificate of candidacy ngayong Martes ng tanghali.
Ang paglilingkod niya sa mamamayan ng San Juan City mula nang mahalal siya na konsehal noong Mayo 2022 ang dahilan kaya limitado na ang mga acting assignment ni Ervic.
YLLANA BROTHERS
For vice-mayor ang posisyong tatakbuhin ni Anjo Yllana sa Calamba, Laguna. Ka-tandem niya ang former mayor na si Timmy Chipeco.

Tatakbo namang konsehal sa Calamba City, Laguna, ang kapatid nina ni Anjo na si Paulie Yllana.
Re-electionist councilor naman ng District 2 ng Parañaque City ang erstwhile actor na si Ryan Yllana, ang isa pang kapatid nina Anjo at Paulie.
Wait, there’s more...
OTHER CELEBRITY CANDIDATES
Tatakbong board member ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Tarlac ang aktor na si Arron Villaflor, na nagbida sa maraming pelikula ng Vivamax mula nang magdesisyon siyang tumanggap ng mature roles.
Naghain ng kandidatura si Arron noong Lunes, Oktubre 7.
Suportado nina incumbent Tarlac City Mayor Cristy Angeles at Paniqui Mayor Max Roxas ang pagtakbo ni Villaflor.
Ang mahalal na alkalde ng Cuyapo, Nueva Ecija ang pangarap ni Rommel Padilla, ang dating action star na ama ni Daniel Padilla.
Sinuportahan ni Senator Robinhood Padilla ang paghahain ng certificate of candidacy ng kanyang kapatid na naranasan nang maglingkod bilang board member ng lalawigan ng Nueva Ecija noong 2007.
Mga kinatawan ng Agimat Party-List ang anak ni Senator Bong Revilla Jr. na si Bryan Revilla bilang first nominee, ang former beauty queen na si Samantha Panlilio bilang second nominee, at ang character actor na si King Gutierrez ang third nominee.
Read: Richard at Lucy, Alfred Vargas, Arjo Atayde nag-file na ng COCs