Sina Maricel Morales, Ejay Falcon, Anjo Yllana, Paulie Yllana, Angelica Jones, at James Macasero ng Moymoy Palaboy ang ilan sa mga showbiz personality na naghain ng kanilang mga kandidatura noong Oktubre 8, 2024 — ang huling araw ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa mga tatakbo sa halalan sa Mayo 12, 2025.
Muling kakandidato si Maricel bilang konsehal ng Angeles City, Pampanga. Babalikan lamang niya ang puwesto na kanyang pinanghawakan mula 2007 hanggang 2016.
Si Ejay ang incumbent vice governor ng Oriental Mindoro, pero naghain siya ng kandidatura bilang house representative ng ikalawang distrito ng lalawigan na kanyang nasasakupan.
Read: Willie Revillame confirms run for senator in 2025 elections
YLLANA SIBLINGS
Kakandidato si Anjo na vice-mayor ng Calamba City, Laguna.
Samantalang tatakbong konsehal ng Calamba ang kanyang nakababatang kapatid na si Paulie.
Magiging abala sa susunod na eleksyon ang Yllana siblings dahil re-electionist councilor ng District 2 ng Parañaque City si Ryan Yllana.

JOMARI YLLANA'S PAST AND PRESENT
Tatlo sa mga babaeng bahagi ng buhay ni Jomari Yllana, na nagsisimula ang mga pangalan sa letrang A, ang kandidato sa midterm elections.
Ang kanyang ex-wife na si Aiko Melendez ay re-electionist councilor sa fifth district ng Quezon City.
Read: Aiko Melendez, Ara Mina, Shamcey Supsup for councilor sa 2025
Ang ex-girlfriend niyang si Ara Mina ay aspiring councilor ng second district ng Pasig City.
Read: Ara Mina, Shamcey Supsup seek posts in Pasig City council

Ang current wife ng aktor na si Abby Viduya ay susubukang humalili sa posisyon na mababakante ni Jomari sa District 2 ng Parañaque City sa 2025.
Read: Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025
ANGELICA JONES, EMILIO GARCIA
Muling susubukan ni Angelica Jones na maluklok bilang board member ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Laguna.
Naglingkod si Angelica na board member ng 3rd district ng Laguna mula 2010 hanggang 2016, at 2019 hanggang 2021.

Ang maglingkod na alkalde ng Bay, Laguna naman ang ambisyon ni Emilio Garcia, na isa sa mga unang naghain ng kandidatura noong Oktubre 1, 2024.
Tatakbo si Emilio sa ilalim ng partido nina Dan Fernandez at Gem Castillo na kakandidatong gobernado at bise-gobernador, respectively, ng Laguna.
Ang aktor na si Neil Coleta ay tatakbo namang councilor ng fourth district ng Dasmariñas, Cavite.

Naghain din ng kandidatura para sa pagkakonsehal sa Malabon City ang komedyanteng si James Macasero ng Moymoy Palaboy at si Mark Roque, ang erstwhile actor na kapatid ni Dominic Roque.
Read: Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC
PRECY EJERCITO
Tatakbo naman si Precy Ejercito bilang first nominee ng BFF (Balikatan of Filipino Families) party-list.
Si Precy ang maybahay ni Senator Jinggoy Estrada.
Bilang BFF party-list nominee, ang pagsusulong ng "welfare, interests at integrity ng pamilyang Pilipino" umano ang kanyang pangunahing adbokasiya.