Trigger warning: Mention of suicide, dead body
Rekomendado ni Oprah Winfrey at ng kanyang Oprah Book Club ang From Here to the Great Unknown, ang memoir ni Lisa Marie Presley.
Pumanaw si Lisa Marie noong January 12, 2023 dahil sa small bowel obstruction na resulta ng bariatic surgery sa kanya.
Read: Lisa Marie Presley, daughter of Elvis Presley, dies at 54
Nakatakdang ilabas ang librong isinulat ng anak ni Lisa Marie na si Riley Keough sa Oktubre 15, 2024.
Isiniwalat ni Riley na nakumpleto niya ang pagsusulat ng libro sa tulong ng mga naiwang recorded audio tapes ng kanyang ina na nagplanong maglabas ng memoir noong nabubuhay pa ito.
Inaasahang magiging bestseller ang From Here to the Great Unknown dahil sa marami at kakaibang rebelasyon ng sumakabilang-buhay na anak ng King of Rock and Roll na si Elvis Presley at ex-wife ng King of Pop na si Michael Jackson.

A SHOCKING REVELATION
Isa sa makapanindig-balahibong rebelasyon sa memoir ni Lisa Marie ang desisyon nitong makapiling sa loob ng dalawang buwan sa bahay niya ang bangkay ng kanyang anak na si Benjamin Keough.
Si Benjamin ay nagpakamatay sa edad na 27 sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili sa kanilang tahanan sa Calabasas, California, noong Hulyo 12, 2020.
Inilahad ni Lisa Marie na matapos mamatay ni Benjamin, nagpasya siyang panatilihin ang bangkay ng kanyang anak sa dry ice sa loob ng dalawang buwan sa isang hiwalay na kuwarto sa kanilang tahanan sa Los Angeles.
Nagawa ito ni Lisa Marie dahil walang batas sa estado ng California na kailangang ilibing agad ang isang tao.
Read: Alex Pettyfer engaged to Elvis Presley's granddaughter
Hiningi ni Lisa Marie ang tulong ng isang may-ari ng funeral home para maisakatuparan ang kanyang balak na manatili muna sa tahanan niya ang walang-buhay na katawan ni Benjamin.
Ikinuwento ni Lisa Marie na kinailangan nilang panatalihin sa 55 degrees ang temperatura sa kuwarto na pinaglagyan niya sa bangkay ni Benjamin bago siya nakapagdesisyong ilibing anak sa tabi ng puntod ni Elvis sa Graceland, Memphis, Tennessee, USA.
"I got so used to him, caring for him and keeping him there. I think it would scare the living f---ing piss out of anybody else to have their son there like that. But not me,” paliwanag ni Lisa Marie tungkol sa pasya niyang huwag munang ipalibing noon si Benjamin.
Ibinahagi naman ni Riley sa libro ang naramdaman nitong hindi gusto ng kanyang pumanaw na kapatid ang ginagawa ng kanilang ina.
"We all got this vibe from my brother that he didn't want his body in this house anymore. 'Guys,' he seemed to be saying, 'This is getting weird.'
"Even my mom said that she could feel him talking to her, saying, 'This is insane, Mom, what are you doing? What the f---!'" saad ni Riley.