PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boss Toyo, umatras sa pagkandidatong konsehal sa 2025 elections

Boss Toyo, hindi isinasara ang pinto sa pulitika.
by Jojo Gabinete
Published Oct 11, 2024
boss toyo political plan
Boss Toyo on joining politics: “Hindi ko isinasara yung pinto, pero gusto ko kasi kapag dumating yon, ready na ako. Kita mo naman, lahat ng mga kumandidato, yung mga kapwa natin content creators, nag-backlash sa kanila, maraming mga bashing."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Boss Toyo Facebook

Bago nag-umpisa ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga naghahangad kumandidato para sa iba’t ibang posisyon sa 2025 midterm elections noong October 1, 2024, maingay ang balitang tatakbong konsehal sa unang distrito ng Maynila si Boss Toyo.

Si Boss Toyo, na ang tunay na pangalan ay Jayson Luzadas, ay popular content creator, businessman, at social media influencer.

Pero walang Boss Toyo na naghain ng certificate of candidacy sa huling araw na itinakda ng Commission on Elections noong Oktubre 8, 2024.

Read: Willie Revillame confirms run for senator in 2025 elections

BOSS TOYO NOT CLOSING DOORS ON POLITICS

Hindi sinasadyang nakasalubong ng Cabinet Files si Boss Toyo nang dumalo ito sa Project X fashion show ng VMX (dating Vivamax) sa Viva Cafe noong Huwebes ng gabi, Oktubre 10.

Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site

Sinamantala namin ang pagkakataong tanungin siya tungkol sa kanyang pasyang umatras sa pagpasok sa mundo ng pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko isinasara yung pinto, pero gusto ko kasi kapag dumating yon, ready na ako,” umpisang paliwanag ni Boss Toyo, na agad na nagpaunlak magpainterbyu sa Cabinet Files.

Pagpapatuloy niya, “Kita mo naman, lahat ng mga kumandidato, yung mga kapwa natin content creators, nag-backlash sa kanila, maraming mga bashing.

“Pero siyempre, iba naman ako. Matagal na akong may mga charity work, ten years na.

"Pero mas pinili ko lang munang maging pribadong tao sa pagtulong ko kasi kaya ko pa naman.

“Pero hindi ko nga sinasarhan ang aking pintuan sa mga susunod.”

Read: Boss Toyo on PHP14M showbiz memorabilia: ROI Not a Priority

Hindi itinanggi ni Boss Toyo ang kanyang muntik na pagkandidato para sa halalan sa susunod na taon.

“Yes, meron," pag-amin ni Boss Toyo.

“Dapat, councilor ako sa Manila, sa Quezon City, tapos may mga party-list din.

"Pero I refused nga na mag-join ng politics for the meantime."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang opinyon mo sa mga kapwa content creator mong tatakbo sa eleksyon sa susunod na taon para sa iba’t ibang mga posisyon?

“Okay lang. Kung gusto nila yon, kung hangarin naman nilang tumulong, bakit hindi?

"Wala ako sa katayuan para mag-judge sa ibang mga tao.

"Marami naman akong sinusuportahan na mga politician, mga kaibigan. Sila yung mga ie-endorse ko," saad ni Boss Toyo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boss Toyo on joining politics: “Hindi ko isinasara yung pinto, pero gusto ko kasi kapag dumating yon, ready na ako. Kita mo naman, lahat ng mga kumandidato, yung mga kapwa natin content creators, nag-backlash sa kanila, maraming mga bashing."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Boss Toyo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results