PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dalawang horror movies ng Viva, kalahok sa Sine Sindak 5

Walong horror movies, mapapanood sa Sine Sindak 5.
by Jojo Gabinete
Published Oct 13, 2024
nanay tatay pasahero sine sindak 5
Nanay, Tatay and Pasahero, from Viva Films and Studo Viva, are among the eight horror films included in Sine Sindak 5 film festival. The films will be shown exclusively in SM Cinemas from October 30 to November 5, 2024.
PHOTO/S: Viva Films / Studio Viva

Walong pelikula ang opisyal na kalahok sa Sine Sindak, Ang Ika-5 Yugto, ang Halloween-themed film festival na mapapanood sa mga sinehan ng SM Malls.

Magsisimula ito sa Oktubre 30, 2024 at matatapos sa Nobyembre 5, 2024.

Dalawa ang horror movies mula sa Studio Viva at Viva Films na kalahok sa ika-limang taon ng Sine Sindak.

Una, ang Nanay, Tatay na pinangungunahan nina Xia Vigor at Andrea del Rosario.

Read: Mga nanay nina Xia Vigor at Elia Ilano, not on good terms?

nanay tatay poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangalawa, ang Pasahero na pinagbibidahan nina Bea Binene at Louise delos Reyes.

Read: Louise delos Reyes at Bea Binene may panawagan sa mga Pinoy

pasahero poster

Ang The Thorn: One Sacred Night (Sengkolo) mula sa Indonesia at House of Sayuri ng Japan ang official entries mula sa iba pang bansa sa Asya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kalahok din sa annual horror film festival ng Pilipinas ang mga pelikula mula sa Crystal Sky Entertainment: My Mother’s Eyes, MADS, at V/H/S Beyond.

May isang horror movie mula pa rin sa Crystal Sky Entertainment ang kasali sa Sine Sindak 5, pero malalaman ang pamagat nito sa pamamagitan ng isang official announcement na nakatakda sa Oktubre 15, 2024.

Read: MMFF movies nina Nora, Vilma, FPJ, Dolphy muling mapapanood

sine sindak poster
Photo/s: SM Cinema Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HORROR MOVIES FOR PINOYS

Naniniwala ang organizers ng Sine Sindak 5 na magiging matagumpay ang film festival dahil likas na mahihilig sa panonood ng mga katatakutang pelikula ang mga Pilipino.

Higit sa lahat, malaking bagay ang murang presyo ng cinema tickets na nagkakahalaga lamang ng PHP150, samantalang PHP300 ang all-day pass.

Read: 50 MMFF classic films, mapapanood nationwide sa halagang P50

Si Roni Benaid ang direktor ng Nanay, Tatay ng Studio Viva, at proyekto naman ni Roman Perez Jr. para sa Viva Films ang Pasahero.

Pero hindi iniisip ng dalawang direktor na magkalaban sa Sine Sindak 5 ang kanilang mga pelikula.

Ayon kay Direk Roman, “Mapalad tayo na nakapasok parehas ang Studio Viva at Viva Films sa Sine Sindak. Sana yearly.”

Itinuturing niya ang horror movies mula sa Japan at Indonesia ang kakumpitensya ng mga pelikula nila ni Direk Roni.

“Kung competitive [kami], yes, competitive kami sa mga kalaban namin na horror foreign films, sa Southeast Asia. Siyempre, palagi tayong competitive,” saad ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanay, Tatay and Pasahero, from Viva Films and Studo Viva, are among the eight horror films included in Sine Sindak 5 film festival. The films will be shown exclusively in SM Cinemas from October 30 to November 5, 2024.
PHOTO/S: Viva Films / Studio Viva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results