Ang capital letter "K" sa teaser art card na inilabas ng TV5 ang nagbigay ng idea sa netizens na ang multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez ang tinutukoy na "bagong muKha na ihaharap" at dapat abangan.
Matagal nang usap-usapang si Korina ang bagong host ng Face 2 Face dahil siya ang ipinalit kay Karla Estrada na nagbitiw sa tungkulin.
Read: Korina Sanchez, papalit kay Karla Estrada bilang Face 2 Face host
Maliban sa teaser art card tungkol sa mystery lady, hindi pa nagbibigay ng ibang impormasyon ang Kapatid Network management tungkol sa mga pagbabagong magaganap sa Face 2 Face.
Diumano, naghahanap pa ng male co-host na makakatambal ni Korina sa nabanggit na programa.
Read: Karla Estrada out, Korina Sanchez in sa Face 2 Face?
TV SHOW TO REMOVE PROBLEMATIC SHOWNIZ PERSONALITY?
Samantala, may mga pagbabago ring mangyayari sa isang TV show dahil malaki ang tsansang alisin sa cast ang showbiz personality na nagiging pabigat sa production staff.
Madalas na hindi sumisipot sa taping ng programa ang showbiz personality na palaging ginagamit na dahilan ang pagkakaroon ng isyu sa mga miyembro ng kanyang pamilya.
Pero hindi na pinaniniwalaan ang alibi ng showbiz personality na pinagdududahang may ibang problema dahil sa pisikal na kaanyuan niya.
Bukod sa walang kabuhay-buhay, hindi nakokonsensiya at unapologetic ang showbiz personality sa katotohanang ito ang ugat ng pagkakaantala ng trabaho ng lahat kaya nanganganib na palitan siya.