PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovi, Jameson, JM mapangahas ang mga eksena sa Guilty Pleasure

Lovi Poe, mala-Emily in Paris ang mga suot sa Guilty Pleasure.
by Jojo Gabinete
Published Oct 15, 2024
guilty pleasure premiere
(From left) Jameson Blake, Lovi Poe, and JM de Guzman attend the red-carpet premiere of their movie Guilty Pleasure at SM The Block on October 15, 2024.
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

R-16 (no cuts) ang classification na ibinigay ng MTRCB sa Guilty Pleasure, ang legal sexy drama movie ng Regal Entertainment, Inc. na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Jameson Blake at JM de Guzman.

Magbubukas ito sa mga sinehan sa Miyerkules, Oktubre 16, 2024.

Ngayong Martes ng gabi, Oktubre 15, ginanap sa Cinema 3 ng SM The Block ang red-carpet premiere ng Guilty Pleasure.

Read: Lovi Poe wants to spark conversations through her new film

Bago nagsimula ang palabas, nagbigay ng maiksing pananalita ang mga bida ng Guilty Pleasure.

Sa pahayag ni Lovi, inialay nito ang pelikula niya sa kanyang pumanaw na manager na si Leo Dominguez.

Read: Lovi Poe, "napilayan" sa pagpanaw ng manager na si Leo Dominguez

Ang Guilty Pleasure ang isa sa mga proyekto na maipagmamalaki ni Lovi dahil nabigyan niya ng hustisya ang karakter ni Atty. Alexis Miranda.

lovi poe guilty pleasure
Lovi Poe
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling pinatunayan ni Lovi ang pagiging award-winning actress sa lahat ng mga eksena niya sa unang co-production venture sa Regal Entertainment Inc. sa C’est Lovi Productions, ang kompanya nila ng kanyang asawang si Monty Blencowe.

Ipinakita rin nina JM at Jameson na hindi nagkamali ang Regal sa pagtitiwalang ibinigay sa kanila para gampanan ang mga papel ng abogado na nagkaroon ng kaugnayan sa karakter ni Lovi.

STRONG CHEMISTTRY

Naghatid naman ng kilig sa mga dumalo sa red-carpet premiere ng Guilty Pleasure ang malakas na chemistry ng tambalan nina Lovi at Jameson.

Malakas ang reaksiyon ng manonood sa love scene ng dalawa, lalo na sa nude scene ni Jameson pagkatapos ng eksena ng pagtatalik nila ni Lovi.

jameson blake guikty pleasure
Jameson Blake
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi lamang si Jameson ang naging mapangahas sa paghuhubad dahil may butt exposure din si JM sa isang importanteng eksena ng Guilty Pleasure.

jm de guzman guilty pleasure
JM de Guzman

Hindi rin mabilang ang mga eksena ni Lovi na tanging bra at panty lamang ang suot kaya nag-uumapaw ang kanyang kaseksihan mula umpisa hanggang katapusan ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lovi Poe, "walang limitation" kahit kasal na

LOVI'S FASHION STYLE IN THE MOVIE

Tulad ng sinabi ni Lovi sa panayam sa kanya ng Cabinet Files, sinusuportahan niya ang sariling atin, lalo na ang Filipino fashion.

Mapapansin ito sa lahat ng mga damit at accessories na kanyang ginamit sa bawat eksena ng Guilty Pleasure.

lovi poe fashion guilty pleasure
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung kinaaliwan ng mga fashionista ang mga kasuotan ni Lily Collins sa Netflix series na Emily in Paris, tiyak na mapapansin at hahangaan nila ang mga gawang Pilipinong damit, hikaw, at bags na ginamit ni Lovi sa Guilty Pleasure.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Jameson Blake, Lovi Poe, and JM de Guzman attend the red-carpet premiere of their movie Guilty Pleasure at SM The Block on October 15, 2024.
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results