Iyak nang iyak si Jillian Ward nang matapos ang huling araw ng taping niya para sa Abot-Kamay Na Pangarap noong Miyerkules ng hatinggabi, Oktubre 17, 2024.
Ang Abot-Kamay Na Pangarap ang top-rating afternoon drama series ng GMA -7 na mahigit dalawang taong napanood sa telebisyon at nakatakdang magwakas ngayong Sabado, Oktubre 19.
Read: Jillian Ward gains knowledge and investment from Abot-Kamay
Ikinuwento ni Jillian sa Cabinet Files ang kanyang madamdaming pamamaalam sa cast at production staff ng afternoon drama program na matagal naging bahagi ng buhay niya.
Baka raw maulit ang pag-iyak niya sa cast party nila na ginanap sa isang events place sa Quezon Avenue, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 18.
JILLIAN WARD THANKS DR. ANALYN SANTOS
Malaki ang ipinagbago ng pagkatao at takbo ng buhay ni Jillian mula nang gampanan niya ang karakter ni Dr. Analyn Santos sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Nang bumisita si Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Oktubre 18, 2024, nagpasalamat siya kay Analyn dahil sa kanyang mga natutunan.

“Gusto kong magpasalamat sa yo, Analyn, kasi binago mo yung buhay ko, as in.
"Dahil po kasi kay Analyn, sobrang dami kong nakilala na mga tao.
“Ang dami kong natutunan. Natutunan kong mas maging passionate pa sa trabaho ko. Mas na-appreciate ko po ang pamilya ko, yung mga kaibigan ko.
“Thank you so much kasi binago mo ang buhay ko. I love you, Analyn,” sabi ni Jillian habang pinipilit na pigilin ang kanyang luha.
Read: Jillian Ward nagregalo ng car sa handler; happy na until 2024 ang Abot-Kamay na Pangarap
Ayaw namang magsalita ng paalam ni Jillian sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa Abot-Kamay Na Pangarap.
“Ayoko pong magsabi ng goodbye kasi pinramis ko po yan sa kanila,sa cast, na kukulitin ko pa rin sila. Wala pong goodbye,” pangako ni Jillian, na lubos ang pasasalamat sa lahat ng mga tumangkilik at sumuporta sa teleseryeng pinagbidahan niya.
TRIP TO JAPAN
Ang makapagbakasyon sa Japan, kasama ang kanyang pamilya, ang pangarap at plano ni Jillian kapag natapos na ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Read: Jillian Ward Japan trip ang gift sa sarili matapos ang Abot-Kamay
Ngayong Sabado, Oktubre 19, lilipad sa Japan si Jillian para sa show ng Sparkle GMA Artist Center stars sa Tokyo, Japan.
Isinama niya ang kanyang pamilya para sa katuparan ng pangarap na makapagbakasyon sila sa naturang bansa.