Cycling advocate ang GMA Integrated News reporter at broadcast journalist na si Oscar Oida.
Ang kapwa hilig nila ni Aga Muhlach sa pamimisikleta ang naging daan para maging magkaibigan sila.
Read: GMA News reporter Oscar Oida recuperating from leptospirosis
AGA MUHLACH AND THE CYCLING BOY
Sa nakaraang pagpunta nila sa Vermosa, Imus, Cavite, lalo raw tumaas ang respeto at paghanga ni Oscar sa multi-awarded actor dahil sa kabutihan nitong kanyang personal na nasaksihan.
“Si Aga malakas talaga mag-bike,” umpisang kuwento ni Oscar sa Cabinet Files.
“Sa group namin, talagang siya ang palaging nauuna.
"Nang mag-bike kami sa Vermosa, Cavite, nilampasan kami ng isang bata, si JM, siguro ten or eleven year old siya. Pero yung bike niya, kakarag-karag na.
“Maya-maya, hinahabol na niya si Aga, so akala ko, hinahabol niya dahil artista. Nilagpasan niya si Aga, si Aga na yung humabol sa bata.
“Nang magpang-abot sila sa tuktok, tinanong ni Aga yung bata, ‘Boy, kilala mo ba ako?’
“Sabi ng bata, ‘Hindi po.’
“'Ako si Aga, hindi mo ako kilala?'
“'Hindi po.'
“Ang ginawa ni Aga, hiniram niya ang ballpen ng security guard, ‘Boy, ito ang number ko. Ibigay mo sa mommy mo. I’m sure kilala ako ng mommy mo. Sabihin mo, tawagan ako, bibigyan kita ng bike.'”
View this post on Instagram
Kinumpirma ni Oscar na natanggap na ni JM ang bisikletang ibinigay ni Aga.
Saad niya: “Ang galing, di ba? Maagang Pamasko. Tumawag na yung nanay kay Aga.
“Nakakatuwa kasi pinakiusapan pa nila yung parish priest nila na pahiramin sila ng van, pumunta sila sa bahay ni Aga para kunin ang bike.
“Ang sabi ni Aga, nakita niya ang passion ng bata tapos luma na yung bike, ‘This kid really wants to cycle so kailangan ko siyang suportahan.’
“Biking is not all about mamahaling gears, magagandang jersey. Sometimes, mas nangingibabaw yung passion at kabutihang-palad tulad ni Aga.
“Kapag nag-mix ang passion ng isang tao at tulong ng isang mabait na tao, it goes a long way.”
Ikinuwento ni Oscar na malaki na ang nabawas sa timbang ni Aga dahil seryoso ito sa pagpapapayat.
“Ang laki nga ng ipinayat ni Aga saka ang lakas niya lalo ngayon. Hindi ko alam kung ilang pounds ang nawala sa kanya.
“I am sure napansin ninyo yun, mula noong nag-umpisa ang show niya sa TV5," pagtukoy ni Oscar sa sitocm na Da Pers Family.
“Kapag nakita ninyo siya na mag-bike, grabe. Talagang pursigido.”
Read: Aga Muhlach seryosong hinaharap ang pagiging overweight
BONDING WITH AGA
Tuwing araw ng Linggo ang nakaugalian na pamimisikleta nina Oscar, Aga at ng iba nilang mga kasama.
Sa kanilang madalas na pagsasama, nakita ni Oscar ang kababaang-loob, pagiging team player at isang mabuting kaibigan ni Aga.

Kuwento ng Kapuso reporter: “Usually, every Sunday ang cycling namin. Una sa village nina Aga, around Alabang.
“Then, umabot kami ng Cavite, hanggang recently, nag-one hundred kilometers kami sa Tagaytay City.
“Yun ang kagandahan kay Aga, sa age ko noon, siya ang matinee idol.
"Si Aga, A-lister actor natin, hindi maipagkakaila, so aakalain mo medyo feeling superior siya.
"Pero hindi, para talagang barkada siya. Yung concern niya sa kanyang mga kasama, very genuine.
“Like, napagod kami ng isa naming kasama nang mag-bike kami sa Tagaytay. Medyo pagod na kami, huminto kami sa isang store para uminom, so naiwan kami.
“Nakita namin si Aga, pabalik. Humaharurot pababa.
"Hindi niya kami nakita sa store, lumampas siya pababa, pero makikita mo sa expression ng mukha niya na nag-aalala siya.
“I’ve been with a lot of cyclists, kapag medyo naabala mo yung climb nila dahil mahirap, naiinis sila.
“Si Aga, iba. Sabi ko, ‘Bro, sorry ha? Napa-extra padyak ka pa because of us.’
“Ang sabi niya, ‘Okay lang yon, bro, extra mileage.’
“He’s really a good person kaya no wonder, marami ang umiidolo sa kanya kasi hindi lang pala siya all looks and great acting.
“He’s very thoughtful. Kapag nanghihina ka sa pamimiskleta na nangyayari naman talaga, hindi ka niya iiwanan. Kuya talaga siya.”
Read: Aga Muhlach monitors Atasha and Andres on Da Pers Family set
OSCAR'S PADYAK ABROAD
Bilang cycling advocate, nasubukan na ni Oscar mamisikleta sa mga bansang pinupuntahan niya.
Kasama sa mga plano ni Oscar na ibahagi sa mga susunod na araw sa kanyang YouTube channel ang mga karanasan niya sa Padyak Abroad.
View this post on Instagram
“I cycle everywhere and anywhere na napupuntahan ko for coffee and great view.
“Sa Padyak Abroad ko, may ten countries na naipon ko na I will be showing sa YouTube channel ko.
"So far, I have five episodes na ng cycling ko sa Amsterdam, Singapore, Lake Como sa Italy, sa Sweden.
“Ang parating, Paris, Switzerland...
"Ikukuwento ko sa vlog ko kung paano ako dumidiskarte na maka-rent ng bikes. May tips ako about renting bikes, magkano, what to prepare bago ka mag-bike outside the country, pati yung traffic rules."
Kuwento pa ni Oscar, “Si MJ mahilig mamasyal. Sinasamahan ko siya until naisip ko na dapat kada pasyal niya, makapag-bike ako. Good deal naman dahil nag-work.”
Ang tinutukoy ni Oscar na "MJ" ay ang kanyang misis na si MJ Marfori, ang TV5 entertainment news reporter.
Read: 15 things to like about Oscar Oida and MJ Marfori "Just Merged" wedding

May nakakaaliw na anekdota tungkol sa kanyang asawa at kay Aga.
“Dahil cycling advocate ako, ang hilig kong magyaya. One time, niyaya ko si Aga na mag-bike.
"Ang akala ko kaya okay sa kanya na mag-bike kami dahil alam niya na asawa ko si MJ Marfori, pareho silang taga-Kapatid Network, di ba?
“Nung nagba-bike na kami, saka ko nalaman na hindi niya alam na asawa ko si MJ.
“Nagkukuwentuhan kami, biglang nabanggit ko na mag-asawa kami ni MJ. Gulat na gulat si Aga.
“All the while, akala ko, ine-entertain niya ako dahil asawa ko si MJ pero hindi pala niya alam.”