May kinalaman ang pagkandidato ni Willie Revillame sa mga pagbabagong nangyari sa Wil To Win, ang game at public service show ng TV host sa TV5.
Ikinagulat ng mga sumusubaybay sa Wil To Win ang biglang pagkawala ng mga co-host ni Willie noong nakaraang linggo.
Hindi na nila nasilayan sina Cindy Miranda, Ana Ramsey, Almira Teng, at Christine Bermas.
Read: Christine Bermas, dalawang beses nag-audition sa Wil To Win

Hindi na rin napapanood ang mga online host ng Wil To Win—ang former beauty queens na sina Roberta Tamondong at Gab Basiano.
Read: Ana Ramsey reacts to critics of her transfer to Wil To Win

Tanging ang social media influencer na si Inday Fatima at ang comedienne na si Boobsie Wonderland ang natirang co-hosts sa programang natutunghayan mula Lunes hanggang Biyernes.
Read: Boobsie, nagulat sa natuklasang lihim niya ni Willie Revillame
BIG CHANGES ON WIL TO WIN
Matapos mawala ang mga kasama ni Willie, tiniyak ng isang production insider sa Cabinet Files na may malaking pagbabagong magaganap sa Wil To Win na ikagugulat ng mga tagasubaybay ng programa.
Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang TV5 Network management sa mga susunod na araw.
Samantala, ibang Wil To Win ang napanood nitong Miyerkules, Oktubre 23, 2024. Imbes na masaya ang umpisa ng programa, pinagtuunan ng pansin at ipinagdasal ang mga kababayan natin sa Bicol na sinalanta nang husto ni typhoon Kristine.
Ipinakita sa Wil To Win ang mga bayan ng Naga at Sorsogon na lumubog sa tubig-baha at ang kaawa-awang kalagayan ng mga labis na naapektuhan ng malupit na hagupit ni Typhoon Kristine.
Read: Willie Revillame, nagsagawa ng telethon para sa typhoon victims