Tahasang pinabulaanan ni Camarines Sur Second District Representative LRay Villafuerte ang paratang na nagbabakasyon sila ng kanyang anak na si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa Siargao habang nananalanta sa kanilang lalawigan ang bagyong Kristine.
Ang bagyong Kristine, na patuloy na nananalasa at kumitil sa mga buhay ng ilang katao, ang dahilan ng paglubog sa baha ng maraming bayan sa Bicol region at iba pang mga lalawigan.
Ginamit ni Villafuerte ang kanyang official Facebook page para ituwid ang diumano’y mga kasinungalingan na ikinakalat laban sa mga miyembro ng pamilya niya.
Itinuro ng beteranong politiko ang kanilang "mga kalaban" sa pulitika na nagpapakalat umano ng fake news laban sa kanila.
VIRAL PHOTO TAKEN IN SIARGAO
Halatang apektado si Villafuerte dahil makailang beses niyang paggamit ng salitang "ul*l" sa kanyang mahabang post.
Pahayag ni Villafuerte (published as is): "Ngayon panahon ng kalamidad Dapat lahat nag tutulungan at Nagkakaisa , kaya lang ang mga desperado , mga sinungaling at mga ulol namin na mga kalaban nag papalabas ng fake news sa kanilang mga fake accounts na ako daw at si gov luigi ay nasa siargao daw ngayon habang ang Ating mga kababayan ay nag hihirap sa baha!
"Kasinungalingan at hinde tutoo ito ! Dahil Alam ng mga taga camsur na puro panira at daldal lang ang aming mga kalaban at wala natutulong kaya gusto lang nila gumawa ng fake news para siraaan kami !"
Ipinaliwanag ni Villafuerte ang kumakalat na larawan — kung saan kasama niya si Luigi at ang girlfriend nitong si Yassi Pressman, at ilan pang kasamahan — na kuha sa Siargao.
Read: HARD LAUNCH: Luigi Villafuerte declares Yassi Pressman is "the love of my life" in public
Ayon sa kongresista: "'Yan picture na kinakalat nila ngayon daw o kahapon nasa siargao kami kasama ang mga sk sa ibat ibang bayan ng camsur . Yan photo in siargao posted kahapon or today was taken Saturday at lahat ng sk nakabalik na ng camsur Monday bago pa nag bagyo .
"Lumang style na yan gawa nyo mga ulol , hinde nyo kaya lokohin mga Tao ! Ilan election nyo na yan ginagawa para siraaan kami . Alam ng Tao and tutoo , mas alam ng tao ang fake news!"
VILLAFUERTE LAMBASTS POLITICAL OPPONENTS
Ikinumpara pa ni Villafuerte ang mga post umano nilang mag-ama sa mga post ng kanilang mga kalaban.
Kung ang mga kalaban daw nila ay puro problema at panghihingi ng donasyon ang ipinu-post, sila raw ay "aksyon at solusyon" ang ibinabahagi sa publiko.
Ibinida pa ni Villafuerte ang mga nagawa niya at ng kanyang pamilya ngayong may bagyo.
"Tignan nyo na lang mga post ng kalaban namin sa pulitika . Puro post ng mga problema sa baha , problema sa lugar , nanghihingi pa ng mga donasyon na pera .
"I kumpara nyo sa mga post namin ni Gov Luigi Villafuerte at Cong Migz Villafuerte , Puro aksyon at solusyon sa problema .
"Ang problema rescue teams , kami nag Pa Padala ng rescue teams . Problema sa relief kami tuloy tuloy and relief . Kulang rubber boats , ako mismo at aming pamilya nag ambag kami mismo bumili ng mga rubber boats .
"Nag tatawag kami sa natl agencies and department secretaries , international agencies , mga kaibigan na senator para humimgi ng tulong .
"Pero hinde naman kami lang ang mag bibigay tulong at solusyon . Dapat tumulong din ang mga mayors at barangay officials na Meron din sila mga pondo lalo na mga calamity fund ."
Dagdag pa ni Villafuerte: "Para kontrahin ang mga fake news at panira , Ngayon araw , tuloy tuloy post ko ng mga updates para malaman ng mga Tao ang walang hinto naming mga gawa at Aksyon , kung Pwede lang every 5 minutes mag post kami updates dahil tuloy tuloy rescue at relief operations namin .
"Pero mas gusto namin mas mag hanap ng solusyon keysa mag post pero ginawa ko to para mapa Tunayan na mga sinungaling talaga at mga desperado na aming mga kalaban sa pulitika ! [thumbs down emoji]
"Sa mga Sinungaling at ulol ,tumulong na lang kayo , tigilan nyo na yan mga panira nyo , mga pa epal nyo sa fb dahil yan gawa nyo may karma at balik Sainyo yan !"
YASSI PRESSMAN ALSO BASHED
Hindi lamang ang mag-amang Villafuerte ang binabatikos kaya trending sila ngayon sa social media.
Idinadamay at hinuhusgahan din ng ilang netizens ang aktres na si Yassi Pressman, ang karelasyon ni CamSur Governor Luigi Villafuerte.
Masasakit na komento ang natatanggap ni Yassi sa sariling Instagram account dahil inaakusahan siyang kasama ng kanyang boyfriend nang magbakasyon ito sa Siargao.
Ginagamit na ebidensiya ng mga netizen ang mga litratong magkasama sina Yassi at Luigi sa Siargao.
Tanging ang ama pa lamang ni Luigi ang naglalabas ng paliwanag tungkol sa kontrobersya dahil nananatiling tahimik si Yassi at ang kanyang boyfriend.
Read: Yassi Pressman and Luigi Villafuerte celebrate first anniversary