PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Grand Myanmar national director, naungkat ang nakaraan

Video scandal ng Miss Grand Myanmar national director, muling kumakalat online.
by Jojo Gabinete
Published Oct 26, 2024
htoo ant lwin miss grand myanmar national director
Mister Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin is trending on social media after the grand coronation of Miss Grand International 2024.
PHOTO/S: @htooantlwin on Instagram

Nasasangkot sa panibagong kontrobersiya ang Miss Grand International (MGI) Organization na pinamumunuan ni Nawat Itsaragrisil dahil sa mga mabibigat na paratang ni Miss Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin.

Idineklara ni Lwin na hindi na ito magpapadala ng kandidata sa Miss Grand International sa susunod na taon dahil sa nangyari kay Miss Grand Myanmar 2024 Thae Su Nyein.

So Nyein ang second runner-up sa Miss Grand International 2024 na ginanap sa Bangkok,Thailand, noong Biyernes, Oktubre 25, 2024.

Read: Miss Grand Myanmar, di matanggap na second runner-up lang sa Miss Grand International 2024

htoo ant lwin, thae su nyein
Htoo Ant Lwin and Thae Su Nyein
Photo/s: @htooantlwin on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng kanyang live social media broadcast nitong Sabado, Oktubre 26, isiniwalat ni Lwin na sinabi sa kanya ni Nawat na nag-alok umano ng pera ang Indonesia para sa Popular Vote.

Gusto rin umano ng MGI founder at president na magbigay siya ng salapi.

Nanindigan si Lwin na boboto lamang sila sa Popular Vote contest sa pamamagitan ng voting app ng MGI at hindi siya magbabayad ng cash.

Diumano, nanghiram si Lwin ng pera sa kanyang mga kaibigan para magkaroon ng maraming boto at manalo si Miss Grand Myanmar, pero si Miss Grand Indonesia Nova Liana ang nagwagi sa Popular Vote contest.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang oras bago niya sinabing hindi na magpapadala ang Myanmar ng kandidata sa Miss Grand International 2024, nauna nang nagpahiwatig na si Lwin dahil sa kanyang Facebook post na “Bye forever.”

Hindi matanggap ni Lwin na second runner-up lamang ang kanyang kandidata kaya siya mismo ang nag-alis ng korona at sash ni Nyein nang bumaba ito mula sa entablado.

Read: CJ Opiaza, di kasama sa Top 8 ng Miss Popular ng MGI 2024

Makikita sa kumakalat na video ang ginawa ni Lwin at si Nyein na iyak nang iyak habang binubuhat ng mga supporter niya kaya nakatanggap sila ng mga batikos at tinawag na "sore losers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO IS HTOO ANT LWIN?

Nagsilbi si Lwin bilang national director ng Miss Grand Myanmar mula pa noong 2021 pero hindi siya baguhan sa mundo ng pageantry.

Noong Disyembre 2, 2017, ang 22-year-old na si Lwin ang kinatawan ng Myanmar sa Mister Supranational na idinaos sa Krynica-Zdrój, Poland.

Ang Philippine delegate at nurse na si Yves Campos ang isa sa kanyang mga nakalaban.

htoo ant lwin mister supranational 2017
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga rebelasyon ni Lwin laban kay Nawat ang naging mitsa para maungkat ang kanyang nakaraan—ang pagiging porn star niya noon.

Pinaghihinalaang may kinalaman ang mga tagasuporta ni Nawat kaya napag-uusapan at muling lumitaw ang sex video ni Lwin na may running time na labing-isang minuto.

Base sa mga eksena, kusang-loob niyang ginawa ito kaya binansagan siyang "porn star" ng mga tagapagtanggol ng MGI founder at president.

Read: CJ Opiaza finishes 1st runner-up in Miss Grand International 2024

htoo ant lwin
Photo/s: X (Twitter)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mister Grand Myanmar national director Htoo Ant Lwin is trending on social media after the grand coronation of Miss Grand International 2024.
PHOTO/S: @htooantlwin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results