Deleted na ang social media post ng fashion designer na si Leo Almodal tungkol sa evening gown na ginamit ni Miss Grand Philippines Christine Juliane “CJ” Opiaza sa coronation night ng Miss Grand International 2024.
Ito ang dahilan kaya pinag-usapan at nag-trending si Almodal sa X (dating Twitter) nitong Sabado, Oktubre 26, 2024.
Base sa kanyang post, malinaw na hindi nagustuhan ni Almodal ang kasuotan ni CJ na nilikha ng fashion designer na si Mak Tumang.
Read: CJ Opiaza finishes 1st runner-up in Miss Grand International 2024

Pahayag ni Almodal sa burado na niyang post (published as is): “Whoever designed CJ’s Gown… First of all, I am very forgiving and easily pleased with other designer’s work but her dress is wrong in so many aspects.
“Una, Nagmukhang flat ang dibdib. Anong nangyari? Pwede naman maglagay ng seamless pads.
“The torso looked long and straight. Nawala curves ni CJ dahil mali ang patterns ng lines. Nagmukhang tuod. The design should emphasize and enhance the curves and not the other way around…
“maiksi ang gown and she wore short heels (para hindi bitin tingnan?) at nagmukha syang pandak itabi sa ibang candidates.
“san nanggaling and rose gold na belt? Biglang sumulpot and out of place?”
ALMODAL'S GOWN WORN BY MISS GRAND COLOMBIA
Si Almodal ang gumawa ng gold evening gown ni Miss Grand Colombia Angelica Valero, na Top 15 finisher, sa Miss Grand International 2024.
Kahit binura ni Almodal ang kanyang mga puna sa evening gown na nilikha ni Tumang para kay CJ, marami ang nakapag-screenshot ng mga sinabi niya.
Kaya bukod sa naging sentro ng usapan, tumanggap din siya ng mga batikos.
Si Tumang ang responsable sa iconic at winning lava gown ni Catriona Gray nang manalo itong Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, at sa pinupuri ng iba na evening gown ni CJ sa Miss Grand International 2024.
Wala pang reaksiyon si Tumang sa pagpuna ni Almodal sa gown na idinisenyo niya para kay CJ, pero ipinagtanggol siya ng mga bilib sa kanyang kakayahan.
Para sa mga tagapagtanggol ni Tumang, hindi umano magandang halimbawa ang inasal ni Almodal laban sa kapwa nito Filipino fashion designer.
Tumaas din daw ang respeto nila sa Pampanga-based couturier dahil sa hindi nito pagpatol sa kritiko niya.
Read: Miss Grand Myanmar, di matanggap na second runner-up lang sa Miss Grand International 2024