PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kampo ng napatay umano ni John Wayne Sace, nanawagan ng hustisya

Pamilya ng biktima, di makapaniwala sa ginawa ni John Wayne Sace.
by Jojo Gabinete
Published Oct 29, 2024
john wayne sace lynell eugenio shooting incident
The camp of Lynell Eugenio (right) speaks up after he was killed in a shooting incident involving former actor John Wayne Sace (left). Sace was arrested by Pasig Police for being a suspect in Eugenio's murder.
PHOTO/S: PNP / Facebook

Hustisya ang sigaw ng naulilang pamilya ni Lynell Eugenio.

Si Lynell ang biktima sa shoting incident na kinasangkutan ng dating aktor na si John Wayne Sace.

Read: John Wayne Sace arrested for alleged shooting incident

Ayon sa mga ulat, apat na beses umanong binaril ni John Wayne si Lynell gamit ang .45 caliber pistol sa insidenteng naganap sa Barangay Sagad, Pasig City, Lunes ng gabi, Oktubre 28, 2024.

Sa panayam sa kanya ng media matapos maaresto, iginiit ni John Wayne na may banta umano sa kanya at sa kanyang pamilya.

"Nararamdaman ko po talaga na may gagawin siyang hindi maganda," sabi ng dating aktor tungkol sa biktima.

Magkababata at magkapitbahay sina John Wayne at Lynell, kaya malaking palaisipan sa mga kaaanak ng biktima kung bakit nagawa umano itong barilin ng dating aktor.

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files sa isang malapit na kamag-anak ni Lynell ngayong Martes ng hapon, Oktubre 29, inihayag nito ang pagtataka sa malagim na insidente na ikinasawi ni Lynell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng kaanak ni Lynell, “Magkababata po si Kuya Lynell at si John Wayne, bago pa pumasok sa showbiz si John Wayne, kaya nagulat na lang kami kung bakit biglang ganoon ang nangyari.

“Ang tanong naming lahat na magkakamag-anak, 'Bakit ganoon ang ginawa ni John Wayne kay Kuya Lynell, e, wala naman silang alitan?'"

Read: Reformed drug user John Wayne Sace relates tokhang experience

THE CRIME SCENE

Ang kaanak na nakausap ng Cabinet Files ang una umanong sumaklolo sa biktima nang barilin ito ng 35-anyos na aktor.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Eastern Police District si John Wayne matapos mahuli sa isang hotel sa Barangay Oranbo, Pasig City.

John Wayne Sace alleged shooting incident
John Wayne Sace after his arrest
Photo/s: Screengrab from GMA-7 YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng source, “Matagal pa po bago nakuha ang bangkay ni Kuya sa pinangyarihan ng pamamaril.

"Nagkaroon pa ng imbestigasyon, hinintay pa ang pagdating ng mga imbestigador ng SOCO.

“Nang barilin si Kuya Lynell, kami yung unang pamilya niya na nakarating sa area.

“Nangyari yung pamamaril, mga 7:26 P.M."

Alam daw nilang si John Wayne ang bumaril kay Lynell dahil marami umano ang nakakita sa ginawa nito.

“Siya rin ang nakita na huling kasama ni Kuya, as in nagkaroon pa sila ng pag-uusap, nag-bonding.

“Masaya pa sila noong magkasama, tumambay pa sila sa kanto ng eskinita sa Barangay Sagad. Niyaya pa siya ni Kuya na mag-yosi.

“Bumili pa sila ng yosi. Pagkatapos nilang bumili ng yosi, saka binakbakan ni John Wayne si Kuya."

Ayon pa sa source ng Cabinet Files, “Hindi po namin alam kung saan kinuha ni John Wayne ang baril na ginamit niya.

"Pero ang alam po ng ibang mga kamag-anak namin, meron na siyang ibang nakaalitan, yun daw po ang gagamitin niya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Former teen actor John Wayne Sace out of danger after being shot by unknown suspects

JOHN WAYNE'S FACEBOOK POST

Ilang oras matapos barilin umano ni John Wayne ang kababata nitong si Lynell, nag-post sa Facebook ang dating aktor na may kinalaman sa pagtutulak ng droga.

Nakasaad dito: “Nagtutulak kayo ng droga ng palihim Diba? Yun mga Buhay na sinira nyo? May kalaban laban ba? Yung mga ninakawan nyo? Meron?

"Wag kayo pavictim.. ilang beses nyo na ko pinagplanuhan katulad kagabi??? Ha Diba? Pag umalis ako papatayin nyo pamilya ko.. hayopp kayo”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kamag-anak ni Lynell, base sa Facebook post ni John Wayne ay tila may pinagbabantaan ito ngunit hindi nila alam kung sino.

“Sobrang wasted ni John noong araw na yon, as in bago nangyari ang krimen, may bumiro pa sa kanya na ‘Pautang… pautang ng pera.’

“Ang sagot ni John Wayne, 'Walang problema basta buhay ang kapalit.’

“Siyempre, ang akala ng iba, nagbibiro lang siya so hindi nila sineryoso.

“Saka nung gabing yon, bago nangyari yung crime na yon, nagsalita rin si John Wayne ng 'Papatayin ko yan. Papatayin ko ‘yan!' Pero wala siyang sinasabing pangalan.”

Himutok pa ng kamag-anak ni Lynell: “Si John Wayne po, hindi itinuring na iba ng mga Eugenio. Itinuring po siyang pamilya namin, lalo na sa lugar ng Barangay Sagad.

“Inaruga po siya ng daddy ni Kuya Lynell nung mga panahong walang-wala na siyang malapitan.

“Bago pa niya pinatay si Kuya Lynell, ipinagtanggol pa ni Kuya si John Wayne nang masangkot ito sa isang engkuwentro nitong October lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabi pa ni John Wayne noon na magbabago na siya, tatalikuran na niya ang masamang bisyo.

"Siyempre naniwala naman kami dahil hindi naman siya itinuring na iba ng pamilya namin. Tapos, yung baril pala na dala niya, kay Kuya Lynell niya gagamitin.”

Dinala ang bangkay ni Lynell sa St. Bernadette Memorial Chapeland Funeral Services dahil dito isinagawa ang awtopsiya.

Nakatakdang iburol ang kanyang mga labi sa tahanan ng kanyang ama sa Barangay Sagad, Pasig City.

Read: Former teen star John Wayne Sace makes a showbiz comeback; admits battle with drugs

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The camp of Lynell Eugenio (right) speaks up after he was killed in a shooting incident involving former actor John Wayne Sace (left). Sace was arrested by Pasig Police for being a suspect in Eugenio's murder.
PHOTO/S: PNP / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results