Naghain ng reklamong cyberlibel ang dating program manager ng TV5 News and Public Affairs laban kay Senator Raffy Tulfo at ilang matataas na opisyal ng Kapatid network.
Bukod kay Tulfo, pinangalanan din ni Gingco sa kanyang reklamo ang network executives na sina TV5 President Guido Zaballero, OnePH Head Sienna Olaso, Mediaquest Holdings President Jane Basas, Radyo5 Head Raul Dela Cruz, at si Ian Odette Molina ng Wanted sa Radyo.
Kasama rin sa cyberlibel complaint ni Gingco ang dating TV5 news researcher na inireklamo siya ng pang-aabuso.
Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment
Inalis sa trabaho si Gingco dahil sa akusasyong inabuso niya umano ang news researcher sa isang hotel sa Pasig City noong Hulyo 23, 2024.
TV5 SACKS GINGCO
Dumulog ang news researcher sa Wanted Sa Radyo, ang public-service program ni Tulfo, noong Agosto 10. Sa naturang programa, pinangalanan ng senador si Gingco.
Bukod sa pagtukoy sa katauhan ni Gingco, nagbanta si Tulfo na magbibitiw sa lahat ng mga programa niya sa Kapatid Network at magpapatawag siya ng senate hearing kapag hindi agad umaksyon ang pamunuan ng TV5 sa reklamo ng alleged victim.
Read: Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint
Read: Raffy Tulfo, binantaan ang TV5 na magpapatawag ng Senate hearing
Noong Agosto 20, 2024, nakasaad sa pahayag na inilabas ni Tulfo na inalis na si Gingco sa serbisyo.
Mismong si TV5 Chairman Manny Pangilinan daw ang nagdesisyon dahil sa sulat umanong ipinadala ni Tulfo.
Read: TV5 terminates program manager accused of sexual harassment
Sexual harassment ang reklamo ng alleged victim laban kay Gingco.
Pero noong Martes, Oktubre 29, ibinalita ng Violence Against Women and Children Division ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsampa na sila ng kasong acts of lasciviousness sa Department of Justice laban kay Gingco.
Samantala, inihain naman ni Gingco sa Prosecutor's Office ng Mandaluyong City ang kanyang cyberlibel complaint laban sa TV news researcher, kay Senator Raffy Tulfo, at sa pamunuan ng TV5.
Natanggap ng mga respondent ang subpoena na ipinadala sa kanila ng tanggapan ng City Prosecutor ng Mandaluyong, noong Lunes, Oktubre 28.