Ang The Kingdom ang ikatlong proyektong magkasama sina Vic Sotto at Cristine Reyes, pero hanggang ngayon ay "starstruck" pa rin ang aktres sa komedyante, pati na sa kanilang co-star na si Piolo Pascual.
Ang The Kingdom ang isa sa mga opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Read: Vic Sotto, hindi nakipag-bonding kay Piolo Pascual sa shooting
Papuri ni Cristine tungkol sa dalawa niyang co-stars, “Siyempre naman, starstruck pa rin ako kapag nandiyan sina Bossing at Piolo.
"Kasi when it comes to acting, especially, parang very natural para sa kanila.
"Yung presence ni Piolo and Bossing, iba. Alam mong when they’re on the set, people are at their best.
"We don’t want to cause delay. Kapag nandiyan sila, dapat ready talaga kaming lahat.
"Palagi kong naiisip na parang working with these brilliant actors, it’s an honor for u. Kasi kung tutuusin, wala pa kami sa kalahati nila. Sa mga na-achieve nila sa industriya.
"So it’s a privilege to work with them,” pahayag ni Cristine sa Cabinet Files.
Read: Piolo Pascual, "kinilig" sa unang pagsasama nila ni Vic Sotto
THIRD MOVIE WITH BOSSING VIC
Unang nakatrabaho ni Cristine si Vic sa Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko, na official entry sa MMFF 2007.
Sumunod ang Ang Darling Kong Aswang, na official entry naman sa MMFF 2009.

Pangatlo nga itong The Kingdom, na isa ring MMFF official entry.
Paglalarawan pa ni Cristine sa Eat Bulaga! host, “Pareho pa rin, tahimik lang si Bossing tapos maya-maya, magka-crack siya ng jokes. Hindi siya nagbago.
"Pero mararamdaman mo talaga ang presence niya, well-respected ng lahat ng mga tao and he really maintained it.”
Para kay Cristine, isang masayang karanasan ang makasama sina Piolo at Vic sa The Kingdom dahil walang masyadong paghahanda kaya mabilis at magaan ang trabaho ng lahat.
Saad niya, “Preparations is all about kung ano ang gusto ni Direk Mike Tuviera kasi he has a specific acting that he wants for everybody, not just me.
“Mabilis naman kaming mag-adjust, magagaling yung co-stars, magagaling ang staff and crew, so konting mga adjustment lang.
“Wala kaming dapat isipin pagdating sa set, we only have to think of our characters.
“Magaan, mas napo-portray namin nang maigi yung mga ginagampanan namin na role.”
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries