Malaking palaisipan sa mga artista at production staff ng isang television show ang biglaang pagbibitiw sa tungkulin ng production executive.
Hindi pa ito nagsasalita o nagbibigay ng kanyang panig at paliwanag kaya clueless ang mga nakakaalam sa tunay na rason.
Mahal na mahal at pinagbubuhusan ng atensiyon at panahon ng production executive ang programa, pero sa hindi pa matukoy na dahilan, tinalikuran niya ang television show. Ikinagulat ito ng lahat ng mga sangkot sa proyekto.
Bakit?
Dahil nga tikom ang bibig ng production executive marami tuloy mga haka-hakang lumilitaw na nangangailangan ng mga kasagutan.
Read: TV program bilang na ang mga araw dahil sa problemang pinansiyal
MAY ISYU BA SA RESIGNATION NI PRODUCTION EXECTION?
Kung hindi magsasalita ang production executive, umaasa ang mga naniniwala sa kanyang kakayahan na maglalabas ng opisyal na pahayag ang management ng television network.
Maaaring makatulong ang official statement para mahinto na ang mga sari-saring espekulasyon at hindi na mabahiran ng intriga o kontrobersiya ang isyu na tiyak na pagpipistahan ng publiko kapag natukoy nila ang katauhan ng production executive.
Sa kabila ng pagbibitiw sa tungkulin ng production executive, desidido ang network management na ipagpatuloy ang proyekto na kanyang naumpisahan para maipalabas na ito sa telebisyon sa lalong madaling panahon.
Read: Guesting ng dalawang sikat na artista sa TV show, hinarang ng isang aktor