PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male personality, binawi ang luxury car na ibinigay sa aktres

Aktres, hindi nakuha ang mamahaling sasakyan na iniregalo sa kanya,
by Jojo Gabinete
Published Nov 5, 2024
blind item male personality actress
PHOTO/S: Canva

“Indian giver” ang bansag sa isang influential male personality dahil binawi nito ang luxury car na kanyang ibinigay sa aktres nang magwakas ang kanilang relasyon.

Pilit na itinago ng dalawa ang kanilang relasyon, pero natuklasan pa rin ito ng mga malalapit nilang kaibigan.

May asawa at mga anak ang influential male personality kaya bawal na pag-ibig ang label sa pagmamahalan nila ng aktres, na aktibo sa pelikula at telebisyon hanggang ngayon.

Read: Showbiz personality, di pa rin makapag-move on sa hiwalayan

Ibinahay ng influential personality ang aktres sa isang mamahaling lugar, pero inupahan lamang niya ito kaya hindi siya gumastos ng malaki.

Nang maghiwalay ang dalawa, lumipat sa ibang bahay ang aktres dahil ang influential male personality ang nagbabayad ng renta sa tahanang piping saksi sa kanilang bawal na relasyon.

THE LUXURY CAR

Sa pag-alis ng aktres sa lovenest nila, hindi niya nabitbit ang mamahaling sasakyan na iniregalo sa kanya ng influential male personality dahil nakarehistro ito sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaibigan ng influential male personality ang taong ginagamit nitong dummy para hindi magkaroon ng paper trail sa mga ari-ariang binibili niya at ibinibigay sa mga babaeng kanyang nakakarelasyon.

Walang nagawa ang aktres kundi isuko ang sasakyan sa taong bumawi dahil alam niyang mahina ang kanyang laban.

Read: Production executive ng TV show, bakit nag-resign?

Una, hindi nakapangalan sa kanya ang luxury car.

Pangalawa, hindi rin ito nakarehistro sa pangalan ng ex-boyfriend niya.

Pangatlo, puwede siyang maakusahan ng carnapping kapag pinilit niyang dalhin ang sasakyan dahil nakalagay sa mga dokumento ang pangalan ng tunay na may-ari.

At dahil walang mga kasulatan, walang maniniwala sa aktres kung sakaling mag-ingay siya at ibulgar sa publiko ang itinago nilang relasyon ng kanyang pamilyadong ex-boyfriend.

May malaking aral na natutunan ang aktres mula sa “charge to experience” nitong pakikipag-ugnayan sa maimpluwensiyang lalaki.

Naisahan siya dahil walang kahirap-hirap na nabawi ng male personality ang isang mamahaling gamit na iniregalo sa kanya nang maghiwalay sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results