Naiuwi na sa England ang mga labi ng One Direction member na si Liam Payne noong Lunes, Nobyembre 4, 2024.
Binawian ng buhay si Liam matapos mahulog mula sa balkonahe ng CasaSur Hotel, sa Buenos Aires, Argentina, noong Oktubre 16, 2024.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Natagalan sa Buenos Aires ang bangkay ni Liam dahil sumailalim ito sa masusing awtopsiya at sa patuloy na imbestigasyon ng Public Prosecutor’s Office ng Argentina para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkasawi ng sikat na British singer.
Read: One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
LIAM PAYNE'S TRAGIC DEATH
Malaking balita sa buong mundo ang pagpanaw ni Liam dahil sa paraan ng kanyang pagkamatay at sa mga kuwento tungkol sa mga nangyari bago siya nahulog mula sa balkonahe ng hotel na tinuluyan niya sa Buenos Aires.
Noong nakaraang linggo, isiniwalat ng Argentinian broadcast journalist na si Paula Varela na aksidente ang pagkalaglag ni Liam mula sa balkonahe ng hotel dahil nawalan muna ng malay ang 31-year-old singer.
Kinumpirma ni Varela na nakunan ng CCTV ang pangyayari, pero hindi inilabas ang kontrobersiyal na footage na magpapatunay na aksidente at hindi tumalon si Liam sa kamatayan nito.
"There is footage that is not being released to the media with the balcony scene where you see that Liam faints and tragically because of where he is, falls from that balcony.
"If he had been beside his bed, he would have fallen on his bed,” rebelasyon ni Varela sa panayam sa kanya ng Socios del Espectaculo, ang programa ng Argentinian television network na Canal 13.
Read: Multiple drugs found in Liam Payne's body — toxicology report
FUNERAL SERVICE FOR LIAM PAYNE
Ayon sa ulat ng Daily Mail, inaasahang mangyayari ang magarbong funeral service para kay Liam sa St. Peter’s Collegiate Church sa Wolverhampton, West Midlands, sa Biyernes, Nobyembre 8.
Nag-umpisa nang mag-iwan ng mga mensahe at tribute para kay Liam sa harap ng St. Peter’s Collegiate Church ang kanyang mga tagahanga.
Isinusulong din ng fans ni Liam na magkaroon siya ng monumento sa Wolverhampton bilang paggunita sa mga alaala niya.
Nagkaroon din candlelit vigil ang mga tagasuporta ni Liam sa pinagmulan nitong high school, ang St.Peter’s Collegiate Academy.
Isang source ng Daily Mail ang nagsabing isang malaki pero pribadong send-off para kay Liam ang inihahanda at dadaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga kasamahan niya sa One Direction.
Read: One Direction members "devastated" by Liam Payne's death
