PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV personality, spotted kasama ang maimpluwensiyang tao

TV personality, nagmaang-maangan sa relasyon nila ng influential personality.
by Jojo Gabinete
Published Nov 7, 2024
blind item tv personality spotted with influential personality
PHOTO/S: Canva

Itinanggi ng isang Visible TV Personality (VTP) ang balitang nag-uugnay sa kanya sa isang maimpluwensiyang tao.

Pero marami ang nagpapatunay na may relasyon ang dalawa dahil sa mga "sighting" na magkasama sila.

Read: Male personality, binawi ang luxury car na ibinigay sa aktres

Kamakailan lamang, nakita na mga pasahero ng eroplano ang VTP at ang lalaking napapabalitang may lihim na relasyon pero hindi magkatabi ang kanilang mga upuan.

Nagmula sa ibang bansa ang eroplano.

Magkahiwalay man ang puwesto ng mga personalidad na nauugnay sa isa’t isa, nagkaroon ng malisya ang mga saksi na may bahid ng katotohanan ang isyu dahil hindi ito ang unang pagkakataong namataan silang nasa iisang flight pabalik sa Pilipinas.

May mga naglakas-loob na nagtanong sa VTP tungkol sa rumored relationship nila ng misteryosong lalaki, pero nagmaang-maangan siya.

Read: Showbiz personality, di pa rin makapag-move on sa hiwalayan

Karapatan ng VTP na tumanggi lalupa’t kilala sa lipunan ang lalaking pilit na inuugnay sa kanya na tiyak pagpipistahan ng mga tao kapag pinangalanan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung magiging triple sa pag-iingat sa kanilang mga kilos at lugar na pinupuntahan ang mga sangkot sa kontrobersiya, makakaiwas sila sa mga intriga, at magiging tahimik ang kanilang personal na pamumuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results