Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Christine Bermas nang tanungin kung handa ba siyang bumalik sa Wil To Win para i-promote ang VMX movie niyang Celestina: Burlesk Dancer.
Maituturing na kontrobersiyal ang tanong kay Christine dahil kabilang siya sa mga co-host ng Wil To Win na biglang nawala sa public service at game show ni Willie Revillame sa TV5.
Read: Female co-hosts ni Willie Revillame, tinanggal na sa Wil To Win
“Yes, for sure, babalik kami to promote,” sagot ni Christine.
Dagdag niya, “It depends with Viva kasi sometimes sila nagde-decide kung saan kami magpo-promote. But we would love to go to Wil To Win and promote this movie.”

CHRISTINE BERMAS TO QUIT SEXY MOVIES?
Nang maging co-host noon si Christine ng Wil To Win, nagdeklara siyang titigil na sa pagpapaseksi sa pelikula.
Sinabi niya ito sa media conference ng Huling Salsa ni L noong Setyembre 21, 2024.
Read: Christine Bermas, last sexy movie na ang Salsa ni L
Nang alisin si Christine bilang co-host ng Wil To Win, isang malapit sa kanya ang nagsabing desidido ang VMX star na talikuran ang pagpapaseksi at susubukan naman niya na maging DJ.
Sa ginanap na media conference ng Celestina: Burlesk Dancer sa Viva Café nitong Huwebes ng hapon, Nobyembre 7, muling tinanong si Christine tungkol sa pasya nitong huwag nang magpakita ng hubad na katawan sa kanyang mga susunod na proyekto.
Ang Celestina: Burlesk Dancer ay pinangungunahan nina Christine at Yen Durano, at mula sa direksiyon ni MacArthur Alejandre. Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa Disyembre 4, 2024.

Ipinaliwanag ni Christine na ibang-ibang ang karakter na ginampanan niya sa Celestina: Burlesk Dancer, kung ikukumpara sa kanyang mga nakaraang proyekto.
“Different Christine sa mga nagawa ko na VMX movies before and this one, yung character ni Rosalinda is like totally different from my personality.
“I needed to portray like sa sinaunang panahon bago sinakop ng mga Japanese ang Pilipinas. Sobrang nahirapan ako sa mga scene,” paliwanag ni Christine.
Kapansin-pansin namang malaki na ang ipinagbago ng VMX star dahil naging Inglesera na siya sa kanyang pananalita.
Hindi basta Inglesera si Christine dahil may thick accent na ang pagsasalita niya ng American language na posibleng isa sa mga malaking impluwensiya ng kanyang ex-boyfriend na si Nico Locco.
Walang nangahas magtanong kay Christine tungkol sa breakup nila ni Nico dahil iginalang ng entertainment media ang kanyang hiling na huwag nang tanungin tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Read: Nico Locco breaks up anew with Christine Bermas