Magiging ama si JC de Vera sa ikatlong pagkakataon dahil buntis muli ang kanyang asawang si Rikkah.
May dalawang anak na babae sina JC at Rikkah, sina Lana at Laura.
Nakatakdang isilang ang ikatlong anak nina JC at Rikah sa 2025.
Pagbabahagi ng Kapamilya actor, “I have two girls. Isang six years old, isang one and a half, tapos isang upcoming.
"Hindi pa namin alam [ang gender] pero last week of March or first week of April 2025 [ang due date].”
Read: JC de Vera happy sa married life: "I have the best wife ever."
View this post on Instagram
JC DE VERA ON MATURITY HE GAINED FROM HAVING HIS OWN FAMILY
Ayon kay JC, ang pagkakaroon ng pamilya ang nagbigay sa kanya ng maturity.
“I think yung maturity comes with having kids and being married.
“Yung maturity, nadadala ko ngayon sa trabaho kaya yung roles na tinatanggap ko sa industry, yung something na talagang malalim, something really challenging, exciting, at kaya na talaga ng isip ko.
“Not like before na parang feeling ko, kailangan ko yata ng loveteam. Pero ngayon, dun tayo sa pagiging character actor.
“Mas nakakapag-explore ako. Mas nalalaro ko yung mga karakter na gusto kong gawin without limitations.
"Mas naggo-grow pa ako. Hindi lang tayo nasa comfort zone, mas nagagawa natin yung mahihirap.”
Read: JC de Vera, inaming nagka-something sila noon ni Rhian Ramos
Tinanong ng Cabinet Files ang mga pagbabagong idinulot sa kanya ng fatherhood.
Sagot niya, “Mas maraming priorities, mas maraming responsibilities and boundaries.
"Mas kailangan natin alagaan yung katawan, just to be healthy all the time for them.
“Mas maganda yung outlook ngayon sa pagtanggap ng trabaho kasi alam kong mas kailangan kong mag-provide for them.
“Mahirap maging isang magulang and I am still learning a lot. Pero together with my wife, palagi naman akong may katulong at suportado rin naman ako ng family ko sa fatherhood.
"Nag-e-enjoy ako. No more nightlife. I sleep at eight o’clock."
ELLEVEN YEARS AS ABS-CBN CONTRACT STAR
Dalawampu’t isang taon na ang showbiz career ni JC.
Pumasok siya sa entertainment industry noong 2003, at labing-isang taon na siyang contract star ng Kapamilya Network.
Sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, nagbitaw si JC ng salita na “Hopefully maging forever na but, as of now, sabi nga nila, forever Kapamilya si JC and nilu-look forward ko na humaba pa rin nang humaba, more than eleven years.”
Read: JC de Vera would love to work with GMA-7 again but, "My loyalty and faithfulness is with ABS-CBN."
Ang Nobody, na pagsasamahan nila ni Gerald Anderson, ang bagong proyekto ni JC sa kanyang mother studio. Pero ayaw muna niyang sabihin ang karakter na gagampanan.
Aniya, “Gusto ko sana surprise. Gusto ko ma-surprise lahat ng viewers but it’s definitely different.
"It’s not the usual role na nagagawa ko sa Kapamilya Channel. It’s something really challenging for me, new, fresh, so kailangan talagang abangan.”
Ipalalabas na rin sa mga sinehan sa November 27, 2024 ang bagong pelikula ni JC, ang Huwag Mo 'Kong Iwan, kung saan kasama niya sina Rhian Ramos at Tom Rodriguez.
Ang pumanaw na talent manager na si Leo Dominguez ng LVD Entertainment ang namamahala sa showbiz career ni JC.
Sa mga talent ni Leo, si Paulo Avelino ang unang umalis sa LVD Entertainment. Pero pinili ni JC na manatili sa talent management company ng namayapang manager.
Read: Leo Dominguez, veteran talent manager, dies
Paliwanag ni JC, “I owe it to Tito Leo so much kung nasaan man ako ngayon. Malaking tulong at malaking bagay yung ginawa niya for my career.
"This is my way of saying thank you to him, sa LVD Management.
"We’re all doing great. Yung nagha-handle ngayon, si Rey Lanada saka si Fred Blasco, they’re both doing well.
"Ginagawa talaga nila yung dapat gawin though it’s hard, of course.
“Iba si Tito Leo pero nagtutulungan kami and alam ko na we’ll get through this.”