Ipagdiriwang ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang kaarawan sa Lunes, Nobyembre 11, 2024.
Isang malaking rebelasyon ang inaasahang ibabahagi ni Ai-Ai sa publiko sa eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, ang afternoon showbiz talk show program ng GMA-7.
May kinalaman sa usap-usapang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Gerald Sibayan ang isyung bibigyan ng kasagutan ni Ai-Ai sa magaganap na puso sa pusong pag-uusap nila ni Boy.
At base sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files, kumpirmadong hiwalay na sina Ai-Ai at Gerald.
Read: Ai-Ai delas Alas, Gerald Sibayan celebrate 10th anniversary in California
Kinumpirma ni Boy sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon, Nobyembre 8, ang mangyayaring panayam niya kay Ai-Ai sa darating na Lunes.
Ikinasal sina Ai-Ai at Gerald sa Christ The King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City, noong Disyembre 12, 2017, ang Feast of Our Lady of Guadalupe.
Sa kabila ng kanilang May-December relationship, tumagal ng isang dekada ang kanilang relasyon at naging masaya sila.
Kaya marami ang nabigla sa balitang hiwalay na ang dalawa, isang isyung bibigyang-linaw ni Ai-Ai sa kaarawan niya sa Nobyembre 11, 2024.
Read: Ai-Ai delas Alas recalls how Gerald Sibayan courted her
BOY ABUNDA'S INTERVIEW WITH AI-AI DELAS ALAS
Naganap ang huling interbyu ni Boy kay Ai-Ai sa My Mother, My Story noong Oktubre 27, 2024.
Ang My Mother, My Story ang limited talk series ni Boy sa Kapuso Network.
Sa kanilang pag-uusap, marami sa manonood ang nagtaka dahil hindi nabanggit si Gerald.
Read: Ai-Ai delas Alas, Jiro Manio reunited makalipas ang walong taon
Nakadagdag din sa curiosity ng mga tao ang makahulugang pahayag ni Ai-Ai sa tanong ni Boy na “Ano ang kinatatakutan mo?”
Sagot ni Ai-Ai, “Actually, yung totoo, yung mag-isa. Pero I think kapag dumating yun time na yon, kaya ko naman… kaya ko naman.”
Tanong pa ni Boy, “If you were to ask forgiveness kay Eileen delas Alas [tunay na pangalan ni Ai-Ai], ano ang ihihingi mo ng tawad sa kanya?'
Sagot ni Ai-Ai, “Aaah, Eileen, sorry kasi pinayagan mong masaktan ka ng ibang tao, physically and emotionally.
“Hindi mo deserve yon kasi isa kang babaeng nagmahal lang at naging loyal sa kanila with a pure heart and no intention na lokohin sila.
“Ang gusto mo lang, mahalin sila pero inspite of that, sinaktan ka nila, physically and emotionally.
"So, I am very sorry na nagawa ko sa yo yun. Hindi ko na ulit gagawin sa yo yun.
"Hindi ko na uulitin and I am very sorry."
Read: Ai-Ai delas Alas very proud of husband Gerald Sibayan for being a good provider