Hindi totoo ang mga kumakalat na balitang lilipat sa ABS-CBN ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.
Ito ang ginawang paglilinaw ng boyfriend ni Rhian na si Sam Verzosa.
Kababalik lamang nina Sam at Rhian sa Pilipinas noong Huwebes, Nobyembre 7, 2024, matapos lumahok sa New York City Marathon na naganap noong Nobyembre 3.
Kabilang ang magkasintahan sa mahigit 55,000 na tumakbo at nakilahok sa marathon.
Read: Sam Verzosa, hindi raw gagamitin si Rhian Ramos sa politika
Pagtataka ang nagrehistro sa mukha ni Sam nang tanungin tungkol sa isyu ng diumano’y nakatakdang pag-alis ni Rhian sa GMA-7 para lumipat sa Kapamilya network.
“Walang katotohanan at walang ganoong usapan kasi nga we’re both from GMA-7. I have a show in GMA, nagsu-shoot siya ng Sang’gre,” paglilinaw ni Sam.
“Si Rhian has been with GMA ever since nagsimula siya so I don’t think may ganoon.
“Wala talaga kaming napag-usapan. Ngayon ko lang narinig yan. Sa sobrang busy siguro namin, hindi namin narinig yan.”
Naniniwala si Sam na masaya ang kanyang girlfriend sa home studio nito.
“I guess, masaya siya. Lahat ng mga proyekto niya sa GMA, tuluy-tuloy.
"Ever since nagsimula siya, sixteen years na yata siya sa GMA. Ako rin, tuluy-tuloy ang programa ko sa GMA, ang Dear SV."
Read: Rhian Ramos at Sam Verzosa, bakit click sa isa't isa?
NEW YORK MARATHON
Nang mapag-usapan ang mga karanasan nila ni Rhian sa New York City Marathon, sinabi ni Sam na tumagal ng pitong oras ang kanilang pagtakbo para makumpleto ang 42-kilometer run kaya madilim na nang matapos sila.
Lahad ni Sam: “More than seven hours kaming tumakbo, in-enjoy naman namin. Hindi naman yon for competition. Nandoon lang kami to finish it.
“This is my second time to run. Last year, ganoon din sa London Marathon, tinapos namin ang 42 kilometers.
“This year, kasama ko po si Miss Rhian at tinapos namin yung 42 kilometers. Masaya kami, in-enjoy lang namin. Dinaanan namin yung iba’t ibang lugar sa New York.
“Yung jetlag lang ang naging problema, pero sa totoo lang, with all the excitement, adrenalin, halos hindi kami napagod.
“Ang nangyari lang, mga bandang thirteen kilometers, parang bumibigay na yung mga tuhod namin, sumasakit. Pero sa utak at puso namin, hindi kami napapagod.
“Sobrang unbelievable, natapos namin yung 42 kilometers kasi hindi kami masyadong nag-training ni Rhian.
“Talagang pinilit namin na tapusin yung marathon at hindi kami makapaniwala dahil walang training, pero natapos namin ang 42-kilometer marathon.
“Nakatulong din siguro na sanay kami sa init, tapos sa New York, medyo malamig. Hindi kami masyadong napagod.
“Until now, hanggang kaninang umaga, nag-uusap kami, hindi kami makapaniwala. Kumbaga, parang tumakbo ka mula Maynila hanggang Pampanga. Ang haba nun.”
Read: Rhian Ramos not in a rush to settle down with Sam Verzosa