PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Green bones natagpuan sa cremated remains ni Maita Sanchez

Maita Sanchez, inihatid na sa kanyang huling hantungan.
by Jojo Gabinete
Published Nov 10, 2024
maita sanchez family
Actor and former Laguna governor ER Ejercito (center) and his six children hold the urn which contains the cremated remains of former actress and Pagsanjan mayor Maita Sanchez.
PHOTO/S: Gov. ER Ejercito Facebook

Natuklasan ang green bones sa mga labi ng pumanaw na aktres at dating Pagsanjan, Laguna mayor na si Girlie "Maita" Ejercito, matapos ang kanyang cremation sa Arlington Memorial Chapels, Araneta Avenue, Quezon City, ngayong Linggo, Nobyembre 10, 2024.

Kilala rin sa showbiz si Girlie bilang Maita Sanchez.

Ipinaliwanag ng isang empleyado ng Arlington Memorial Chapels sa mga naulila ni Maita ang kahulugan ng green bones na pinaniniwalaang taglay ng mga mabubuting tao.

Itinuturing ding simbolo ng suwerte at naghahatid ng kasaganaan sa sinumang magdadala sa kanilang pag-iingat ng green bones.

Binawian ni buhay si Maita dahil sa endometrial cancer, sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City, noong Nobyembre 3. Siya ay 55.

Read: Former Pagsanjan mayor and actress Maita Sanchez dies at 55

Pinatunayan ng mga nakakakilala kay Girlie ang kabutihan nito noong nabubuhay pa kaya hindi na sila nagtaka nang makita nila ang green bones ng namayapang aktres.

maita sanchz green bones
The green bones found in Maita Sanchez's cremated remains.
Photo/s: Scren grab from Gov. ER Ejercito Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FUNERAL PROCESSION FOR MAYOR MAITA

Ibinurol si Maita sa ancestral house ng mga Ejercito sa Pagsanjan, Laguna.

Noong Sabado, Nobyembre 9, nagkaroon ng funeral procession sa bayang pinaglingkuran niya bilang alkalde (Hunyo 30, 2010 - Hunyo 30, 2019) at bise-alkalde (Hunyo 30, 2019 – Hunyo 30, 2022).

Nakalinya sa kalsada ang mga taong nagbigay-pugay kay Maita sa huling pagkakataon at nagpasalamat para sa serbisyong ibinigay niya sa bayan at mamamayan ng Pagsanjan.

Isang misa ang idinaos sa Our Lady of Guadalupe Parish Church bago dinala ang kanyang mga labi sa Arlington Memorial Chapels para sa cremation na nangyari nitong Linggo, Nobyembre 10.

Read: ER Ejercito, idinetalye ang mga huling sandali ni Maita Sanchez

Nang dumaan ang sasakyang maghahatid kay Maita sa Arlington Memorial Chapels sa makasaysayang arko ng Pagsanjan noong Sabado, isang water salute ang ibinigay sa kanya ng Bureau of Fire Protection ng Pagsanjan bilang pagpupugay kay Maita.

maita sanchez water salute
Photo/s: Gov. ER Ejercito Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang asawa ni Maita, ang aktor at former Laguna Governor na si ER Ejercito, at ang kanilang anim na anak ang naghatid sa kanya sa Arlington Memorial Chapels.

Nakitaan din ng berdeng buto ang mga abo ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose nang i-cremate ang bangkay nito noong Marso 2, 2024.

Read: Jaclyn Jose: A life lived like in the movies

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and former Laguna governor ER Ejercito (center) and his six children hold the urn which contains the cremated remains of former actress and Pagsanjan mayor Maita Sanchez.
PHOTO/S: Gov. ER Ejercito Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results