Mabigat ang paratang ng ilang netizens na ginamit lamang umano ni Gerald Sibayan si Ai-Ai delas Alas para magkaroon siya ng green card o permanent resident card sa Amerika.
Wala itong sapat na basehan kaya dapat maghinay-hinay muna sila sa paghuhusga sa estranged husband ng Comedy Queen.
Mula nang malaman ng publiko na hiwalay na ang dalawa, lumitaw rin ang isyung maaaring ipa-revoke ni Ai-Ai ang green card application ni Gerald na, diumano, isa sa labis na ikinababahala ni Gerald.
Read: Ai-Ai delas Alas, hiwalay na sa asawang si Gerald Sibayan
Bukas, Lunes, Nobyembre 11, ang ika-60 kaarawan ni Ai-Ai.
Inaasahang sasagutin niya sa araw na ito ang lahat ng mga katanungan tungkol sa desisyon ni Gerald na tapusin na ang kanilang pagsasama.
Kabilang na ito ang impormasyong hiniwalayan siya umano ni Gerald sa pamamagitan lamang ng isang text message.
Read: Ai-Ai delas Alas very proud of husband Gerald Sibayan for being a good provider

AI-AI TO ANSWER ALL ISSUES ABOUT SEPARATION FROM GERALD
Pumayag si Ai-Ai na isiwalat sa mismong kaarawan niya ang kanyang panig sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na magaganap sa Fast Talk with Boy Abunda bukas.
Sasagutin din ni Ai-Ai ang mga haka-hakang posibleng gumawa siya ng paraan na mapawalang-bisa ang green card ni Gerald para makaganti siya.
Ang balita tungkol sa pagwawakas ng sampung taon na relasyon nina Ai-Ai at Gerald ang bumulaga noong Biyernes, Nobyembre 8, sa mga taong hindi makapaniwala dahil wala silang naririnig na may problema sa pagitan ng dalawa.
Ang pagsasalita na gagawin ni Ai-Ai sa Fast Talk with Boy Abunda ang una at huling pagkakataong magpapaliwanag siya dahil sa kanyang katuwiran na “I owe it to the public.”
Sinabi ni Ai-Ai na buklat na aklat sa publiko ang mga nangyayari sa kanyang personal at propesyonal na buhay.
Higit sa lahat, utang na loob daw niya sa mga Pilipino ang magaganda at magandang pangyayari sa kanyang buhay, noon hanggang ngayon, kaya karapatan umano ng mga itong malaman ang katotohanan, kahit gaano ito kasakit at kalungkot.