Si Marvin Diamante ng Pilipinas ang second runner-up sa 16th Mister International na ginanap sa Toledo City, Cebu, nitong Linggo ng gabi, November 10, 2024.
Si Francisco Zafra ng Spain ang itinanghal na Mister International.
Back-to-back win ito para sa Spain dahil ang itinanghal na 15th Mister International noong 2023 ay ang kinatawan din nilang si Jose Calle.
First runner-up last year ang pambato ng Pilipinas na si Austin Cabatana.
Ngayong 16th Mister International, first runner-up si Estefano Balarin ng Peru, third runner-up si Elias Silitonga ng Indonesia, at fourth runner-up si Zeng Xianyang ng China.

TWO MISTER INTERNATIONAL PAGEANTS
Kontrobersiyal ang Mister International dahil dalawa ang organizers nito: ang The Real Mister International ng Pilipinas at ang Official Mister International ng Thailand.
Parehong inaangkin ng dalawang organizers na sila ang may hawak ng karapatang idaos ang naturang patimpalak para sa mga kalalakihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Read: A case of two Mister International pageants: which one is legit?
Magaganap sa Disyembre 14, 2024 ang Thailand-based Mister International 2024.
Si Justine Carl Ong ang kinatawan ng Pilipinas.
Umaasa si Ong na siya ang magiging successor ni Kim Goodbum, ang Thai actor na reigning Mister International.
Read: Mister International 2023 Kim Goodburn says his win in Thailand not hometown decision

SEASON OF BEAUTY PAGEANTS
Ang buwan ng Nobyembre at Disyembre ang panahon ng mga international beauty contest.
Hindi lamang ang 62nd Miss International na magaganap sa Nobyembre 12 sa Tokyo, Japan, at 73rd Miss Universe na idaraos sa Nobyembre 16 sa Mexico ang mga inaabangan ng pageant fans.
Kasalukuyang nasa Chiang Mai, Thailand, si Anthony Cunningham dahil siya ang kinatawan ng Pilipinas para sa 7th Man of The Year na magaganap sa Nobyembre 19, 2024.

Si Kirk Bondad naman ang official representative ng ating bansa sa 11th Mister World na idaraos sa Nobyembre 23 sa Pan Thiet, Vietnam.
Umaasa si Kirk na makukuha niya ang korona ng Mister World na mailap sa Pilipinas dahil first runner-up ang tanging pinakamataas na karangalan na nakuha ni Andrew Wolff sa Mister World 2012.
