Isang public viewing ang naganap para sa "Tinimbang Ka Ngunit Kulam," ang pilot episode ng Face To Face: Harapan, sa covered court ng Barangay E. Rodriguez, Quezon City, nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 11, 2024.
May bagong host ang Face To Face sa katauhan ng award-winning broadcast journalist na si Korina Sanchez.
Read: Korina Sanchez, "bagong mukha" ng Face 2 Face
Hindi nagkamali ang management ng MediaQuest sa pagkuha sa serbisyo ni Korina bilang host ng tabloid talk show ng TV5, na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa bagong timeslot nitong alas-kuwatro ng hapon.
Sa pilot telecast pa lang, nangibabaw agad ang kanyang husay.
Ibang Korina rin ang napanood sa Face To Face dahil bukod sa galing sa pag-awat sa kanyang mga nag-aaway na bisita, lumitaw ang natural wit at sense of humor niya.

KORINA SANCHEZ NO NEWCOMER IN FACE TO FACE FORMAT
Sa mga hindi nakakaalam, hindi baguhan si Korina sa mga programang may konsepto na kagaya ng Face To Face.
Siya ang host noon ng Kayo ang Humatol, ang TV show ng ABS-CBN noong dekada ’90.
“Ang unang-una kong ginawa na parang ganito, yung Kayo ang Humatol,” ang lahad ni Korina sa ginanap na media conference ng Face To Face sa Barangay E. Rodriguez covered court bago nag-umpisa ang public viewing ng programa niya sa Kapatid Network.
“Si Charo Santos ang producer, si Alicia Vergel ang aming barangay captain, at sa barangay talaga kami nagre-referee ng mga nag-aaway tungkol sa manok, kabitan ng kuryente.
“Medyo sanay ako sa ganitong format. It’s one of my earliest shows, Kayo ang Humatol.
"So ngayon, siesta, parang maglalagay na rin ako ng folding bed sa makeup room.”
Read: Korina Sanchez recalls might-have-been with ABS-CBN: "Bakit niyo ba ko pinakawalan?"

KORINA SANCHEZ JUGGLING SIX SHOWS AT THE SAME TIME
Sa kasalukuyan, anim na programa ang pinagkakaabalahan ni Korina, at siya ang producer ng apat sa anim na mga proyekto na isang testamento ng kanyang kasipagan.
Nagtatanong na nga raw ang asawa niyang si Mar Roxas.
Kuwento ni Korina: “Ang sabi ng asawa ko sa akin, ‘Why do you work so hard? Bakit kailangan mo pang gawin ang lahat ng niyan?’
“Sabi ko, 'Well, they like me.' So, kailangan siguro pagbigyan ko na rin dahil hanggang kaya kong gawin at natsa-challenge akong gawin, pagsisikapan ko talagang pagtiyagaan at gagawin ko.
“I am very healthy, I take care of myself very much. I make sure that I have eight to ten hours sleep a day, tuluy-tuloy.
“Nagagawa ko yon. Kapag nagigising ako nang medyo maaga-aga dahil yung mga anak ko makukulit, natutulog ako ulit kapag kulang ako sa eight to ten hours.
"Sleep is so important for your mental health."
Pagpapatuloy niya, “I produce four of the six.
"Yun ang mahirap kapag ikaw na yung humaharap [as host], ikaw pa yung nagpo-produce.
"Tapos yung mga tanong sa yo, anim na set ng tao yan, na tinatanong, ‘Ano ang susunod na kakainin ng technical?’
“Sabi ko, 'Talaga ba, Lord, ito ang kailangan kong gawin?' Kinakaya naman.”
Nagpapasalamat si Korina dahil mahuhusay ang kanyang mga kasamahan sa trabaho.
“Mabuti na lang, magagaling ang aking mga kasama sa trabaho. Napakaimportante nun, time management.
"At kung ako’y isang ordinaryong tao naman, Monday to Friday naman talaga ang trabaho.
"May bundy clock pa yan, 9 A.M. to 6 P.M.
“E, ganun din naman ako, kaya lang, nasa mga programa ako.”
Read: Korina Sanchez on signing co-production deal with ABS-CBN: “Im baaaack."