Ang Queen of Pop na si Madonna ang international celebrity counterpart ni Ai-Ai delas Alas na hiwalay na sa dating karelasyon na higit nakababata sa kanila.
Si Madonna, 66, ay hiwalay na sa 28-year-old Jamaican soccer player na si Akeem Morris. Tatlumpu't walo ang agwat ng kanilang edad.
Si Ai-Ai, 60, ay hiwalay na rin sa kanyang 30-year-old husband na si Gerald Sibayan. Thirty years old ang age difference nila.
Gaya nina Ai-Ai at Gerald, age difference din ang itinuturing na ugat ng paghihiwalay nina Madonna at Akeem.
Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan
MADONNA-AKEEM RELATIONSHIP
Unang napabalita ang ugnayan nina Madonna at Akeem sa isa't isa noong 2022, pero walang matibay na basehan dahil sa pakikipagkita ng singer-actress sa ibang mga lalaki.
Noong Hulyo 2024, nakumpirmang may relasyon ang dalawa pero naghiwalay sila makalipas ang apat na buwan.
Diumano, hindi nagtagal ang pagsasama nina Madonna at Akeem dahil bukod sa age difference, may mga mahihigpit na patakarang ipinatutupad ang Queen of Pop sa kanyang kasintahan.
Read: Madonna rushed to ICU after being found unresponsive; postpones world tour
Isang source ng British tabloid na Daily Mail ang nagsabing walang ipinagkaiba ang naging problema ni Madonna kay Akeem sa mga dating karelasyon niya.
“Madonna ran into the same issue with this boytoy as she has with all of her recent men.
“The age difference became an issue,' the source continued. 'They come from different time periods. Madonna felt Akeem had a wandering eye because he did.
“'When the globe-trotting stopped, the excitement stopped as well,” rebelasyon sa Daily Mail ng taong nakakaalam umano sa kuwento ng May-December affair nina Madonna at Akeem.
Idinagdag ng source na hindi madrama ang paghihiwalay ng dalawa. Maluwag daw sa kalooban na tinanggap ang kinahinatnan ng kanilang pagmamahalan.
“Ultimately it had run it’s course and there are no hard feelings or drama. It was just time for them to go their separate ways. Akeem is now living on an island, and Madonna is obviously in her UES pad working on her biopic,” sabi sa artikulo ng Daily Mail.
Read: Madonna's two-night Manila concert grossed $4.9 million