Sweet As Chocolate ang pamagat ng pelikulang pagsasamahan ng real-life sweethearts na sina Mikee Quintos at Paul Salas.
Kukunan sa Bohol ang kanilang mga eksena.
Ang Sweet As Chocolate ang follow-up project ng direktor na si Conrado Peru sa When I Met You, ang reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na humakot ng mga parangal sa Metro Manila Film Festival 2023.
Read: Mikee Quintos says faith journey of boyfriend Paul Salas strengthens their relationship
JOEY SAN ANDRES TO PLAY MIKEE QUINTOS'S FATHER
Ang character actor na si Joey San Andres ang gaganap na tatay ni Mikee sa Sweet As Chocolate, at siya ang nagbigay sa Cabinet Files ng mga detalye tungkol sa kanilang proyekto.
“Mag-start kami ng shooting this Saturday, Novmber 16, sa Bohol.
“We had dinner last Monday night, November 11, sa Mesa restaurant, Quezon City, at dito na rin nangyari ang story conference namin for the movie.
“Dumalo ang buong cast, pati ang aming direktor na si Conrado Peru.
"Mababait ang lahat ng cast and Mikee welcomed me as her tatay, and that is my role in the movie,” pahayag ni Joey sa Cabinet Files.
May regular job si Joey pero malapit sa puso niya ang pag-arte kaya tumatanggap siya ng mga acting assignment.
Nagkaroon na si Joey ng mga guesting sa Home Sweetie Home, Magpakailanman, at sa ibang mga programa ng GMA-7.
Makakatrabaho ni Joey sa kauna-unahan na pagkakataon sina Paul at Mikee, pati ang kapwa character actor na si Soliman Cruz, kaya excited na siya sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang shooting.
Planong ipalabas sa mga sinehan ang Sweet As Chocolate sa Love Month sa February 2025.
Read: Soliman Cruz finds redemption after voluntary drug rehab