Ngayong Huwebes, Nobyembre 14, 2024 ang ika-27 kaarawan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Nagpapasalamat si Rabiya sa Panginoong Diyos dahil sa magagandang nangyayari sa kanyang personal at propesyonal na buhay.
Bago ikinuwento ni Rabiya ang mga bagong biyaya na natanggap, sinabi muna niya ang mga kahilingan at plano para sa kanyang kaarawan.
“My birthday wish would be to have good health and to be mentally stable.
"Siguro more than the material things, it’s really the inner peace saka to be grateful and satisfied in life. Yun talaga ang totoong blessings.
“My plan today is to celebrate my birthday with my family.
"Nag-lunch kami sa Tagaytay and we rented an Airbnb somewhere outside Metro Manila.
"Tapos it’s very special kasi Jeric [Gonzales, her boyfriend] was the one who planned everything for us,” pahayag ni Rabiya sa Cabinet Files.
Read: Rabiya Mateo, pangarap magkaroon ng punerarya
RABIYA IS NOW A MAINSTAY OF BUBBLE GANG
Maligayang-maligaya si Rabiya dahil mainstay na siya ng Bubble Gang, ang longest-running gag show sa Pilipinas na napapanood sa GMA-7.
Saad niya, “Honestly, I am very, very happy na in-announce na few days before my birthday as a regular Ka-Bubble. Masaya ako kasi I prayed for it.
“It’s an answered prayer and siyempre po, it’s a blessing na magkaroon ng regular na trabaho.
“I started as a guest sa Bubble Gang. Nung nalaman nila na wala naman akong teleserye pa, wala akong pinagkakaabalahan, parang every taping, nire-request nila ako.
"Hanggang nag-deliberate sila and they got me, so I am happy.
“Siyempre working with Kuya Bitoy iba talaga yung feeling kasi legend na siya, icon na," pagtukoy ni Rabiya kay Michael V., ang lead star ng Bubble Gang.

Dagdag niya, “Bata pa lang ako, elementary student pa lang ako, Kuya Bitoy na siya, and I am learning from him kung paano maging professional.
“Nalaman ko rin na when he does skits, ginagamitan niya talaga ng utak at puso. Hindi lang basta-basta para makapagpatawa. Parang everything has a reason.”
Read: Rabiya Mateo, umalis na sa TiktoClock matapos mapaso ang kontrata
RABIYA'S OWN HOUSE AND LOT
Hindi lamang ang pagiging mainstay ng Bubble Gang ang biyayang natanggap ni Rabiya dahil natupad ngayong 2024 ang pangarap niyang makabili ng bahay at lupa sa Sta. Rosa City, Laguna.
“I’ve always wanted to have a property of my own, so ito, pinag-ipunan ko talaga throughout the years — from my investments wih LVNA, with The Secret Lounge, my lending company as well.
“So, nung medyo nakaipon-ipon na po, I decided to get a property in Sta.Rosa, Laguna, kasi it’s way cheaper for a bigger space.
"It’s a 200-square meter house and lot, and it’s my gift to me and my family.”
Read: Rabiya Mateo flexes first house, car: "Power of manifestation"

Hindi natatakot si Rabiya na sumugal sa mga negosyo, kahit nagkaroon siya ng malungkot na karanasan nang maging biktima ng isang uri ng investment scam.
Payo ni Rabiya, “Ang maise-share or advice na gustong ibigay ko to everybody is don’t just save money. Kasi kapag nag-ipon ka lang, nasa bangko lang.
“Learn to invest, invest in the right things.
"Hindi man perfect palagi, minsan magkakamali ka rin sa investment mo, pero hindi yon dapat maging rason para panghinaan ka ng loob. Take the risk.
"Kasi once you invest, magmu-multiply ang pera mo. You should make your money work for you.
"Kasi ang showbiz, hindi naman forever. Hindi palaging may trabaho ka so might as well, kung anuman yung naipon mo, mas maparami mo pa through investments.”
Read: Rabiya Mateo, na-trauma matapos mabiktima ng investment scam