Nagkakalat ng "misleading news" ang matinding paratang ni Chloe San Jose laban sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Ito ay kaugnay ng inilathalang artikulo ng Cabinet Files, na may pamagat na "Anak na babae ni Ai-Ai delas Alas, may hamon kay Chloe San Jose," ngayong Huwebes ng hapon, Nobyembre 14, 2024.
Ang "anak na babae ni Ai-Ai delas Alas" na tinutukoy sa artikulo ay si Sophia delas Alas Bautista, na nakabase na ngayon sa Amerika.
Read: Anak na babae ni Ai-Ai delas Alas, may hamon kay Chloe San Jose
Sa mismong Facebook post ng PEP.ph, nagkomento si Chloe upang sabihing "misleading news" ang ikinakalat ng entertainment website na ito dahil "FAKE account" umano ang "Sophia delas Alas Bautista" na nagkomento sa kanyang post.
Buong komento ni Chloe: "You’re spreading misleading news pep.ph, the account that messaged me and commented on my post was just a FAKE account of AiAi’s daughter, Sophia.
“The fake account left on me delivered when I asked to confirm her identity through messaging me back on Sophia’s real and personal IG account.”

SOPHIA DELAS ALAS CONFIRMS SENDING MESSAGE TO CHLOE SAN JOSE
Kasalukuyang nagbabakasyon si Sophia sa South Korea.
Sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong Huwebes ng gabi, Nobyembre 14, kinumpirma niyang siya talaga ang nagpadala ng mga sumusunod na mensahe kay Chloe:
“matapang ka? Public mo naman post mo regarding my mom"
“Girlfriend ka LANG naman talaga so why do you find that offensive?
"Kita tayo sa Manila? Matapang ka eh."

Para sa kaalaman ni Chloe at sa mga tagasuporta niya, dalawa ang Facebook account ni Sophia.
Ang ginamit ni Sophia sa pagpapadala ng mensahe sa kontrobersiyal na girlfriend ni Carlos Yulo ay ang kanyang Facebook account na nagtataglay ng married name niya.
Read: Chloe San Jose defends "back to you mamang" remark about Ai-Ai delas Alas
Facebook friend ng Cabinet Files si Sophia kaya alam namin na lehitimong nagmula sa kanya ang mensahe para kay Chloe.
In fact, nakarating kay Sophia ang komento ni Chloe sa Facebook page ng PEP.ph.
Hindi pa sumasagot si Sophia sa komento ni Chloe dahil nagbabakasyon pa siya sa South Korea.
Mensahe pa niya sa Cabinet Files, “Too lazy to respond Tito. I’m in Korea. I don’t want to waste my time arguing with her.”
Pero kinumpirma ni Sophia na siya talaga ang nagpadala ng mensahe kay Chloe.
Katuwiran niya, “Pinarating ko lang sa kanya na her actions are sickening. That’s it.”
So, back to you Chloe…