Si Sahara Bernales ang bida sa upcoming VMX (dating Vivamax) movie na Maryang Palad.
Sa aming pagkakaalam, siya ang kauna-unahang sexy star na may dugong Aeta na pumasok sa showbiz.
Ang pagiging Aeta, dahil sa kanyang ina na nagmula sa Pampanga, ang dahilan ng kayumangging kulay at Pilipinong-Pilipinong pisikal na kaanyuan ni Sahara.
Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site
SAHARA'S TRANS FATHER
Bukod sa pagkakaroon ng dugong Aeta, ipinagtapat ni Sahara na dating transgender woman ang kanyang 53-year-old father na si Lawrence Manatiga, na nagmamay-ari ng beauty parlor.
Pero walo silang magkakapatid mula sa tatlong babae na nakarelasyon ng tatay niya.

Lahad ni Shara: “Ang papa ko, dating transgender woman.
"Ang papa ko kasi lalakero dati pero na-brokenhearted siya.
"Kasal po siya sa mama ko.
“Si Papa, babaeng-babae dati. Sumasali siya sa mga pageant.
"Ikinukuwento niya na dati nagpapa-table pa raw siya sa mga lalaki kasi kinesa [makinis] siya. Maputi, mahaba ang hair niya.
"Talagang babae po ang hitsura niya, tisay-tisay siya."
Pagmamalaki pa niya sa ama, “Siya po yung nagturo sa akin na rumampa sa mga pageant. Siya yung nagme-makeup dati sa akin.
"Kapag may parada, siya ang gumagawa ng sasakyan ko."

Ipinagmamalaki nang husto ni Sahara ang tatay niya dahil isa raw itong mabuti, mapagmahal, at responsableng ama.
“Never ko siya ikinahiya,” nakangiting sabi ni Sahara.
“Minsan, nagbibihis-babae siya. Kapag nasa bahay, lagi siyang nagsusuot ng p*kp*k shorts, sando.
“Proud siya na artista ako. Yung mga picture ko po sa parlor niya, malalaki.”
Read: Hubadero 2024 3Q: Male stars who sizzled online and in cinemas
SAHARA ON EXPERIENCING BULLYING
Ang pagkatao ni Lawrence ang ugat kaya naranasan ni Sahara na tuksuhin ng mga kaklase niya noong bata pa siya, pero hindi ito pinalalampas ng tatay niya.
Kuwento ni Sahara: “Natural naman po yon kapag bata. Pero si Papa kasi, kapag nalaman niya, pumupunta siya sa eskuwelahan.
“Takot na takot yung mga teacher so pinagsasabihan nila yung mga kaklase ko na huwag akong aawayin kundi yari sila sa tatay ko.
“Matapang kasi si Papa, matalak din. Sasabihin niya, ‘Ay, subukan ninyong apihin ang anak ko. Ibabalik ko kayo sa saya ng mga nanay ninyo!’
“Yun naman ang pinakagustung-gusto ko kasi sobrang protective ng father ko.”
Pinapanood ba ng kanyang tatay ang mga pelikula ni Sahara sa VMX?
“Hindi ako sure kung ako ang pinapanood niya!” natawang sagot ni Sahara.
“Baka yung mga kapartner ko. Ewan ko sa kanya kasi hindi naman maiaalis yon sa kanya.
“Pero parang barkada ko ang papa ko. Kapag nag-iinuman kami, sasabihin niya, ‘Guwapo ‘yon.’
“Sabi ko, ‘Ay, cutie ba? Gusto mo ipakilala kita?’
“Sabi niya, ‘Hindi, nahihiya ako.’”
Read: Christine Bermas, last sexy movie na ang Salsa ni L
MARYANG PALAD
Pamilyar ang mukha ni Shara sa mga tagasubaybay ng It’s Showtime dahil daily winner siya sa "Sexy Babe" contest ng noontime show ng ABS-CBN noong Abril 2022.
Si Sahara ang title-role sa Maryang Palad, kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Marya na pagmamasahe, gamit ang palad, ang ikinabubuhay.
Mula sa direksiyon ni Rodante Pajemna, Jr. ang Maryang Palad ay tinatampukan din nina Jem Milton, Mark Dionisio, at Vince Rillon.
Nagsimula ang streaming ng Maryang Palad sa Vivamax kahapon, November 15.
