PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Who is Sophia delas Alas?

“Siya yung tipo na hindi magpapatalo kapag alam niya na nasa tama siya."
by Jojo Gabinete
Published Nov 17, 2024
Sophia delas Alas, daughter of Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera
Sophia delas Alas, daughter of Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera, graduated from De La Salle University with a degree in Education, major in Early Childhood Education.
PHOTO/S: @sophdelasalas / @msaiaidelasalas Instagram

Nagkaroon ng interes ang publiko kay Sophia Delas Alas dahil siya ang tumindig para sa kanyang nanay na si Ai-Ai Delas Alas.

Ito ay matapos pasaringan si Ai-Ai ni Chloe San Jose ng "Back to you mamang, hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo pero ang ginagawa mo sa iba ay babalik din sa'yo ng 10x ‍—it's just the universe's law."

Read: Anak na babae ni Ai-Ai delas Alas, may hamon kay Chloe San Jose

CHLOE SAN JOSE TAKES A SWIPE AT AI-AI DELAS ALAS

May kinalaman ang patutsada ni Chloe sa isyu ng pakikipaghiwalay kay Ai-Ai ng asawa nitong si Gerald Sibayan.

Hindi kasi natuwa si Chloe sa unsolicited advice sa kanya ng Comedy Queen tungkol sa hidwaan nila ni Angelica Yulo, ang ina ng boyfriend ni San Jose, ang Paris Olympics two-time gold medalist na si Carlos Yulo.

Hinggil sa pagsagot ni Chloe kay Angelica noon, komento ni Ai-Ai: “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang. Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang girl, huwag mo munang awayin.”

Payo pa ni Ai-Ai noon, "Kasi alam mo naman ang mga mommy, di ba? Isa yan sa mga way na magiging harmonious ang inyong relationship."

Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan

Hindi nagustuhan ni Chloe ang payo sa kanya ni Ai-Ai, kaya “back to you” ang kanyang sagot nang makakita siya ng pagkakataong balikan ang Comedy Queen.

Read: Chloe San Jose takes swipe at Ai-Ai after actress' split from Gerald

Hindi pinalampas ni Sophia ang komento ni Chloe tungkol sa kanyang ina.

Hamon ni Sophia kay Chloe: “I-public mo naman yung post mo regarding my mom kung matapang ka talaga. Haha.”

“Girlfriend ka LANG naman talaga so why do you find that offensive?

"Lol, wag lang kita makita sa Manila baka ako naman ang magdala sayo ng karma, girl,” nangungutyang reaksyon pa ni Sophia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang dahilan kaya nagkaroon ng Team Sophia at Team Chloe.

Marami ang umaasa na matutuloy ang pagtatagpo nila para magkaalaman kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na matapang.

Sophia delas Alas, daughter of Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera
Sophia on a sunny day

Read: Sophia delas Alas, kinumpirmang siya ang nag-message kay Chloe

SOPHIA DELAS ALAS BIRTHDAY, EDUCATION

Napukaw ni Sophia ang interes ng publiko dahil sa kanyang palabang hamon kay Chloe, kaya gusto nilang malaman ang mga impormasyon tungkol sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para sa mga nagtatanong, “Budang” ang pet name kay Sophia ng kanyang mga magulang at mga kapatid.

Siya ay anak ni Ai-Ai at ang matagal nang U.S.-based balladeer na si Miguel Vera.

Sophia delas Alas, daughter of Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera
On her wedding day, Sophia delas Alas was escorted by her parents Miguel Vera and Ai-Ai delas Alas.
Photo/s: @sophdelasalas / @msaiaidelasalas Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinilang si Sophia noong Abril 15, 1996. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid.

Elementary graduate si Sophia mula sa Miriam College, Quezon City at nag-aral siya ng high school sa Colegio de San Agustin, Makati City.

Noong 13 years old si Sophia, dinala ito ni Ai-Ai sa Amerika.

Doon ipinagpatuloy ni Sophia ang pag-aaral sa Mt. San Antonio College sa Walnut, California kaya fluent na fluent siya sa American language.

Nang magtapos ng high school si Sophia, bumalik siya sa Pilipinas para mag-aral sa Dela Salle University, Taft Avenue, Manila at dito niya tinapos ang kanyang kurso na Bachelor of Arts in Education, Major in Early Childhood Education.

Read: Sophia delas Alas, may bagong pasaring kay Chloe San Jose?

WHERE SOPHIA DELAS ALAS GOT HER PALABAN PERSONALITY

Matalino, mabait, sweet at Inglesera ang pagsasalarawan kay Sophia ng mga taong malalapit sa kanya; pero matapang siya at pumapatol kapag may mga nang-aapi at umaaway sa nanay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diumano, minana ni Sophia ang katapangan nito mula kay Miguel–pero nasa lugar daw ang pagiging matapang nila at hinding-hindi sila pumapayag na maunahan ng mga umaaway sa kanila.

Sophia and dad Miguel
Sophia and dad Miguel

May mga pagkakataong nagugulat na lamang si Ai-Ai dahil inaaway ni Sophia ang mga tao na nagsasalita nang masakit pero walang katotohanang paratang laban sa Comedy Queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kadalasan, huli na para awatin ni Ai-Ai ang anak na nakapagtaray na nang wagas.

Kuwento ng source ng awtor na ito: “Siya yung tipo na hindi magpapatalo kapag alam niya na nasa tama siya.

“Dati, may isang infamous vlogger na pinaiyak niya dahil sunud-sunod ang mga batikos sa nanay niya.

“Isang mahaba na English blog ang ginawa ni Sophia as in tinaray-tarayan niya ang vlogger kaya napaiyak na lamang ito.”

Below-the-belt at hindi kasi totoo ang mga inilabas na balita ng blogger laban kay Ai-Ai.

Kung si Ai-Ai ang “Tanging Ina,” si Sophia ang “Tanging Anak.”

Read: Ai-Ai not revoking Gerald's green card application amid breakup

WILL SOPHIA REALLY SAY YES TO A FACE-OFF WITH CHLOE?

Sa tanong kung may kakayahan ba talaga si Sophia na sugurin at harapin si Chloe, “Hindi naman siguro sugod” ang sagot ng source ng Cabinet Files.

“Usap at tarayan, yes, pero depende sa mood niya. Kapag tinamad na si Sophia at maging busy siya sa work, hindi na niya gagawin yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan nang sinubukan ni Sophia na mag-artista, pero hindi niya ipinagpatuloy dahil hindi siya natutuwa sa mga kaplastikan sa showbiz na kanyang personal na nakita at naranasan.

“Gusto ni Sophia na umarte at sumayaw dahil gusto niya na kumita ng pera pero umayaw siya. Wala raw privacy at ayaw niya na magpaka-plastic.

“Kung ano ang kanyang tunay na ugali, yun ang gusto niya, e, sa showbiz dapat may pagkaplastikada ka para magtagal ka.

“Hindi ganoon si Sophia,” ang kuwento ng Cabinet Files informant tungkol sa palaban na anak nina Ai-Ai at Miguel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sophia delas Alas, daughter of Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera, graduated from De La Salle University with a degree in Education, major in Early Childhood Education.
PHOTO/S: @sophdelasalas / @msaiaidelasalas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results