Binigyang linaw ni Andrew E. ang matagal nang isyu at akusasyong kinopya niya mula sa 1988 American rap song na "Find An Ugly Woman" ng American rap duo na Cash Money & Marvelous ang kanyang 1990 hit song na "Humanap Ka ng Panget."
Sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda noong Nobyembre 18, 2024, hindi diretsahang itinanggi ni Andrew E. ang paratang.
Pero paliwanag niya, “My contention was yung accusation was not authentic.
"Hindi ako ina-accuse ng tao na kinopya ko yung kanta kasi hindi naman talaga sila nag-a-accuse.
"Why? Kasi kung nag-a-accuse sila na kinopya ko yon, e, bakit hindi mo in-accuse yung kanta na yon na kinopya rin sa 1963 song?"
Read: Andrew E shrugs off critics of hit song "Humanap Ka ng Panget"
Ang tinutukoy ni Andrew E. na pinagbasehan umano ng "Find An Ugly Woman" ay ang "If You Wanna Be Happy" na kanta ni Jimmy Soul (Agosto 24, 1942 – Hunyo 25, 1988) na ni-release noong May 18, 1963.
Pero hindi na binanggit o maaaring hindi alam ni Andrew E. na ang 1933 song na "Ugly Woman" ang inspirasyon ng "If You Wanna Be Happy."
Ang "Ugly Woman" ay komposisyon at inawit ng Trinidad & Tobago singer na si Rafael de Leon (Pebrero 22, 1908- Hulyo 11, 1999), na gumamit ng screen name na Roaring Lion.
Read: Andrew E., relevant pa rin sa music industry after 34 years
"HUMANAP KA NG PANGET"
Sa isang panayam kay Andrew E. noong Hunyo 2022, inilahad niya ang pinagmulan ng kanyang ideya sa paglikha ng "Humanap Ka ng Panget."
Ito ay sa kabila ng mga bintang na malaki ang pagkakapareho ng tunog ng kanta sa "Find An Ugly Woman" kaya inakusahan siya ng plagiarism.
Pahayag ng rapper, “Nararamdaman ko po kasi na eighty percent ng Pilipino ay pangit.
“Sinabi ko yon at yung 80 percent na po na yon, yung 80 percent ng rejection ng Pilipino na yon ay ramdam na ramdam ko, kaya ito ang aming iginaganti sa sinumang magsasabi na pangit kami.
"Hindi ho. Ang kagandahan ay nasa puso yan."
Read: Mga lumang kanta ni Andrew E., patok pa rin sa bagong henerasyon
Ttiyak na alam ni Andrew E. sa sarili ang katotohanan tungkol sa kontrobersiya ng diumano’y pangongopya niya sa kanta ng Cash Money & Marvelous.
Ang "Find An Ugly Woman" ang hit single ng Cash Money & Marvelous mula sa debut album nito na Where’s The Party At na ni-release noong Enero 1, 1988.
Maaaring nagkataon lamang at hindi sinadya na noong Enero 1, 1990 naman ang release date ng self-titled album ni Andrew E. na Andrew E. Rhyme +Andrew= Party.
At gaya ng Where’s The Party album ng Cash Money & Marvelous, ginamit din ni Andrew sa cover ng debut album nito ang salitang "party."
Ang "Humanap Ka ng Panget" ang carrier hit single ng album ni Andrew E. at nagbigay sa kanya ng maraming oportunidad sa Philippine entertainment industry, tulad ng pagbibida sa pelikula ng Viva Films na may kaparehong pamagat at ipinalabas sa mga sinehan noong Marso 1991.
Read: Andrew E. cites reasons he is still a hit even with new audience