PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TV show, nanganganib mawala sa ere dahil sa usaping pera

Bida ng TV show, kinukundisyon na ang sarili.
by Jojo Gabinete
Published Nov 20, 2024
blind item tv show

May problema sa pananalapi ang producer ng isang malaking TV show na nanganganib mahinto ang pagpapalabas.

Pero kung mababayaran ng producer ang malaking obligasyon nito, walang dahilan para mawala ang programa na namamayagpag sa ere.

Read: BLIND ITEM: Production executive ng TV show, bakit nag-resign?

Mahalaga ring magkaroon ng masinsinang pag-uusap ang mga sangkot sa TV show.

Kapag pinairal nila ang mga hindi pagkakaunawaan, ang mga artista at production staff na mawawalan ng trabaho ang labis na maaapektuhan at malalagay sa kawa-awang sitwasyon.

Hindi lingid sa kaalaman ng production staff ang problemang kinakaharap nila dahil sa mga pahiwatig ng bida ng programa na higit nakakaalam sa isyu kaya kinukundisyon na niya ang sarili sa mga nakatakdang maganap na panibagong hamon sa kanya.

Kung sakaling hindi malulutas ang mga suliranin at usapin, hindi na mapipigilan ang mga pagbabagong mangyayari na tiyak ikalulungkot ng mga personalidad na maaapektuhan.

Read: TV show, magpapaalam na sa ere pagkatapos ng mahigit isang dekada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results