Malalaman sa mga susunod na araw ang katotohanan tungkol sa balitang ang TiktoClock ang ipapalit sa timeslot ng maiiwanan ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa GMA-7.
Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang GMA Network Inc. management ukol dito.
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
Ang TiktoClock ang morning variety show ng Kapuso Network at pre-programming ng It’s Showtime.
Nag-umpisa ang telecast ng It’s Showtime sa GMA-7 noong Abril 6, 2024, pero ilang linggo na ang nakalilipas nang kumalat ang mga espekulasyong hanggang Disyembre 2024 na lamang mapapanood sa Kapuso network ang noontime show ng ABS-CBN.
Read: It's Showtime hosts, nagpasalamat sa ABS-CBN sa hindi pagbitaw
Lalong tumindi ang mga haka-hakang malapit nang magpaalam sa GMA-7 ang It’s Showtime dahil sa balitang pinaplano na ang mga bagong game segment para sa TiktoClock, na original concept at station-produced.
May impormasyon ding matutunghayan ang TiktoClock, simula sa Enero 2025, sa timeslot na inookupa ngayon ng It’s Showtime.
Read: TV show, nanganganib mawala sa ere dahil sa usaping pera
NO NEW NOONTIME PROGRAM
Ang balita tungkol sa pagbabagong mangyayari sa noontime slot ng GMA-7 ang isang patotoong salat sa katotohanan ang balitang muling magpo-produce ng noontime show ang TAPE Inc. para sa Kapuso network.
Ang TAPE Inc. ang producer ng longest-running noontime variety show na Eat Bulaga! na lumipat sa TV5 at ng Tahanang Pinakamasaya na short-lived dahil sa usaping may kinalaman sa pananalapi.
Read: TAPE ng Jalosjos family, kumpirmadong babalik sa paggawa ng shows
Hindi maiiwasang malungkot ng mga tagasubaybay ng It’s Showtime kapag napatunayang hanggang Disyembre 2024 na lamang mapapanood sa GMA-7 ang programa na kanilang sinusuportahan.
At kung sakali man, hindi dapat malumbay nang tuluyan ang mga sumusuporta sa It’s Showtime dahil umeere pa rin sa A2Z, Kapamilya Channel, at ALL TV ang paboritong programa nila.
Read: Vice Ganda speaks up about demolition job on It's Showtime
Dalawang buwan matapos mag-umpisa ang GMA-7 telecast sa It’s Showtime noong Abril 6, 2024, nagsimulang umere ang noontime show sa ALLTV noong Hunyo 17, 2024.
Ipinagtaka ito ng iba dahil napapanood na nga sa Kapuso Network ang noontime show ng ABS-CBN, na nakikisilong sa maraming network buhat nang mawalan ng franchise noong Hulyo 10, 2020.
Read: It's Showtime, kinabog sa ratings ang Eat Bulaga! sa salpukan nila noong April 6