PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dra. Camille Garcia, kinumpara si Korina sa ex-Face To Face hosts

Dra. Camille Garcia, bilib sa professionalism ni Korina Sanchez.
by Jojo Gabinete
Published Nov 26, 2024
dra. camille garcia korina sanchez face to face
Dra. Camille Garcia on Korina Sanchez: “Siguro marami siyang naranasan, hindi katulad ng ibang mga artista. Kasi karamihan sa mga host namin, mga artista. Hindi katulad kay Ate Koring na sabihin natin na marami na siyang naranasan, based on sa lahat ng mga nakita kong episodes sa different shows niya, so talagang nakakapagbigay siya ng opinyon."
PHOTO/S: TV5

"Professional" ang pagsasalarawan ni Dra. Camille Garcia kay Korina Sanchez.

Si Dra. Camille naman ang isa sa tatlong miyembro ng Trio Taga-Payo ng Face To Face: Harapan.

Marami raw siyang natuklasan tungkol sa bagong host ng afternoon tabloid talk show ng TV5.

Read: Korina Sanchez, ipinamalas ang husay bilang host ng Face to Face

Pahayag ni Dra. Camille sa mga miyembro ng entertainment press, “In terms of professionalism, nakikita ko, napaka-professional ni Ate Koring.

“Nasanay ako na ang mga host, nakadikit sa prompter [teleprompter]. Parang they give their views sa prompter.

“Pagdating kay Ate Koring, she makes her own advice na talagang sa kanya nanggagaling. Hindi siya tumitingin sa prompter.

"Makikita mo na it’s a work of a journalist rather an entertainment host."

face to face
Photo/s: TV5
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Dra. Camille, malaki ang pagkakaiba ni Korina sa mga dating host ng kanilang programa dahil sa mga personal na karanasan ng kasalukuyang host ng Face To Face: Harapan.

“Experience ang pinag-uusapan dito,” sambit niya.

“Siguro marami siyang naranasan, hindi katulad ng ibang mga artista. Kasi karamihan sa mga host namin, mga artista.

“Hindi katulad kay Ate Koring na, sabihin natin na marami na siyang naranasan, based on sa lahat ng mga nakita kong episodes sa different shows niya, so talagang nakakapagbigay siya ng opinyon.

“Kapag pinag-usapan ang tungkol sa renta, nagrenta rin pala noon si Ate Koring. Yung mga ganoong experiences, nakakagulat na malaman.”

Read: Korina Sanchez, papalit kay Karla Estrada bilang Face 2 Face host

KORINA SANCHEZ'S DNA

Kinumpirma naman ito ni Korina sa press.

Paliwanag ng beteranang broadcaster: "Before anything else, I’m a lot of things, good and bad, but if anything, I am very emphatic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mabilis akong maka-relate sa kausap ko, sa pinapakinggan kong mga tao kaya hindi ako makatiis na hindi ako ma-involve and to honestly, sincerely, try to help.

“Yan ang DNA ko talaga, yung makatulong. And I think, that’s very important if you come into a show like this.

“Kailangan authentic yung concern mo para makuha mo yung sitwasyon. That’s something that I’ve always known about myself.”

Read: Korina Sanchez, "bagong mukha" ng Face 2 Face

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Camille Garcia on Korina Sanchez: “Siguro marami siyang naranasan, hindi katulad ng ibang mga artista. Kasi karamihan sa mga host namin, mga artista. Hindi katulad kay Ate Koring na sabihin natin na marami na siyang naranasan, based on sa lahat ng mga nakita kong episodes sa different shows niya, so talagang nakakapagbigay siya ng opinyon."
PHOTO/S: TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results