PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Francine, "nagwala" nang makasama sa MMFF 2024 ang My Future You

Francine Diaz, binalikan ang pinagdaanang hirap bago naging bida.
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2024
francine diaz seth fedelin my future you
Francine Diaz and Seth Fedelin at the presscon of their movie My Future You, an official entry to the 50th Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

Nagsisigaw sa tuwa si Francine Diaz nang malaman nitong opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang My Future You, ang launching movie ng loveteam nila ni Seth Fedelin.

Bukod sa pagsigaw, ikinuwento ni Francine sa Cabinet Files na nagwala siya sa kanyang kuwarto dahil sa sobrang kaligayahan.

“Ay, sumigaw po talaga ako, as in nagwala ako sa kuwarto! Sinend ko kay Seth [ang balita].

"Never in my whole life na in-imagine or in-expect na mapapasama ako at kasama ko pa si Seth,” sabi ni Francine.

Read: MMFF 2024 Final 5 official entries announced

Hindi raw inakala ni Francine na magkakatotoo ang inakala niyang imposibleng mangyari, lalupa’t pinagdaanan niya noon ang lahat ng mga hirap at pagsubok para marating ang kanyang kinaroroonan ngayon.

Lahad niya: “Ako po talaga, nagsimula ako sa pinakababa. Talagang tinrabaho namin ito ni Mama. Lahat nga auditions, pinilahan namin.

“Dati po kasi, kapag nag-audition ka, kahit bata ka, kung ma-hurt ang feelings mo, mahe-hurt ka talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kapag nakita nila ang acting mo, hindi sila nagalingan, ligwak ka talaga. Sasabihin sa yo face to face.

“Tapos, mag-move on ka na. Hanap ka uli ng panibagong audition na sasalihan.

“Naranasan ko rin po na talagang tinitipid namin ang pamasahe namin. May time na nag-shoot kami ng isang episode ng Ipaglaban Mo, ako yung young Jennica Garcia.

"Malayo po ang location namin, ang pamasahe lang namin ni Mama, fifty pesos. Hindi ko po alam kung paano kami nakauwi ng panahon na yon.

“Nangungutang kami ng pamasahe para makapunta sa location.

"Iniuuwi namin yung aming mga tirang food pagkagaling sa taping para may makain kami sa bahay, kasi wala kaming nago-grocery."

Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

FRANCINE DIAZ ON HER FIRST MMFF MOVIE

Dagdag pa ni Francine, isang malaking blessing para sa kanya ang maging kalahok sa MMFF ang pelikula nila ni Seth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
my future you poster

“Lahat po pinagdaanan namin, kaya ako po bilang isang bata at manonood, kapag nakikita ko yung float parade para sa MMFF, talagang nakikipili rin ako kung alin ang mas maganda. Kung ano yung gusto kong panoorin, kasama si Mama.

"Hanggang pili lang ako kasi wala kaming perang pangsine. Unless, yayayain kami ng mga kamag-anak namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At para po ngayon na mapasali kami sa official entries sa MMFF this year, sobrang laking blessing po nito.”

Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, paano nagkakampihan sa bashers?

Tinanong ng Cabinet Files si Francine kung bakit dapat panoorin at tangkilikin ng publiko ang My Future You.

Sagot niya: “Para po ito sa lahat. Actually, Rated G ito ng MTRCB.

"At para sa akin, dapat siyang panoorin ng lahat dahil tuwing Pasko, ang gusto natin, maramdaman ang pagmamahal, lalung-lalo sa pamilya at sa special someone natin.

“Ang difference din ng movie namin ni Seth ay yung timeline namin. Magkaiba kami ng panahon.

"At isa sa mga challenge ng istorya, e, kung paano kami magkikita ng karakter ni Seth.

“Saka kung paano namin maipapadama ang pagmamahal namin sa mga tao sa buhay namin at yung pagmamahal na meron kami sa isa’t isa sa pelikulang ito.”

Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, ayaw makumpara sa KathNiel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Francine Diaz and Seth Fedelin at the presscon of their movie My Future You, an official entry to the 50th Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results