Pasakay ng kotse at paalis ng bahay si Seth Fedelin nang matanggap nito mula kay Francine Diaz ang balitang opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanilang unang pelikula, ang My Future You ng Regal Entertainment, Inc.
Read: Francine Diaz, "nagwala" nang makapasok sa MMFF 2024 ang My Future You
Ikinuwento ni Seth sa Cabinet Files na bumalik siya ng bahay para sabihin sa kanyang ina ang magandang balita.
“Pasakay ako noon sa sasakyan, tinayuan ako ng balahibo. Bumalik po ako sa bahay kasi nag-send nga si Francine ng message.
"Pag-seen ko, ipinakita ko agad kay Mama, ‘Ma, pasok kami sa MMFF!’
“Halo-halong emosyon na. Pasalamat ako nang pasalamat.
"Sobrang saya, sobrang tuwa, pero sobrang kabado rin kasi MMFF ito.
"Kumbaga, pelikulang Pilipino ito. Marami ang nag-aabang,” sabi ni Seth.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

SETH FEDELIN: FROM MMFF FAN TO MMFF STAR
Ayon kay Seth, pinapanood niya ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival noong hindi pa siya artista.
“Ako rin po, naging fan din po ako ng MMFF nung hindi pa ako artista. Buong pamilya namin, nanonood ng mga pelikula ng MMFF.
"Yung tipong namimili ka, ‘Saan tayo? Hindi, mas maganda ito.’
“So ngayon, ganoon din po ang gagawin ng mga tao sa pelikula namin."
Pag-amin pa ni Seth, "Nakakakaba pero sobrang pasalamat.
“Nakakakaba kasi first film namin ni Francine. Hindi namin alam ang pakiramdam na nasa sinehan ang pelikula namin dahil nga first time po namin.
“Siyempre, grateful pa rin kami. Nagpapasalamat kami at sobrang proud po sa isa’t isa.
"Isa ito sa mga pangarap naming dalawa at mga pangarap ng mga tao na nagmamahal sa amin na nakasuporta hanggang ngayon.”
Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, ayaw makumpara sa KathNiel
FOR GENERAL PATRONAGE
Ipinagmalaki ni Seth na Rated G ng MTRCB ang My Future You, at ito umano ang advantage ng pelikula nila ni Francine sa siyam na iba pang official entries sa 50th MMFF.
Saad ni Seth, “Rated G ng MTRCB so lahat puwedeng manood — mga bata, matatanda. Lahat puwede, walang pinipiling edad.
"Mas pampamilya, light yung concept, feel-good movie.
“Yung twist na, 'Anong meron sa title na My Future You?'
"So, yun ang sa tingin namin na parang maiintriga ang mga tao kung anong klaseng pelikula ito. Kasi merong 'future' na salita. Medyo may travel time na hitsura.”
Hindi pa raw napapanood ni Seth ang kabuuan ng My Future You dahil gusto ni Roselle Monteverde, CEO ng Regal Entertainment, na masorpresa sila ni Francine.
Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, paano nagkakampihan sa bashers?